Chapter 12

8.6K 266 570
                                    

Chapter 12

“Seryoso ba?!” gulat kong tanong at hinawakan ang mukha ni Zaire. Inilapit ko rin siya sa akin para malaya ko siyang matitigan. “Magkapatid talaga kayo ni Ziljian?!”

Mabagal siyang tumango. “I mean half lang…”

“Half?” Kumunot ang noo ko. “Hindi talaga kayo buong magkapatid?”

“Iisa lang ang father namin,” tugon ni Zaire kaya napabitaw ako sa kanya. “Kami ang reason kung bakit nasira ang pamilya nila…”

Natigilan ako. “So, hindi kayo close ni Ziljian?”

Mabagal siyang tumango. Hindi ko akalain na sa kanya ko pa malalaman ang kwento ng buhay ni Ziljian. Ibig sabihin, hindi talaga buo ang pamilya nila. Marami pa talaga akong hindi nalalaman sa lalaking mahal ko.

“I'm sorry,” usal ko. “Hindi na dapat ako nagtanong pa.”

“Okay lang, open naman ako tungkol doon.”

Umupo na kaming dalawa. Magkaharapan kami ni Zaire. Parang kaharap ko lang din si Ziljian, mas bata nga lang ang mukha ni Zaire. May hikaw din siya. Magkatulad ang hugis ng mga mata nila na singkit.

Kung pagtatabihin silang dalawa. Mas matangkad si Ziljian, pero kaunti lang naman ang agwat nila. Kahit kay Zaire ay sobrang liit ko.

“Grabe, ang liit ng mundo!” Nasabi ko na lang. “Hindi ko alam na kapatid ni Ziljian ang makaka-date ko ngayon.”

“Why do you know him?” He asked me. “Magkakilala kayo?”

Tumango ako. “Magkasama kami sa iisang bubong. Kaibigan siya ng fiancée ng kapatid ko, at doon muna siya nag-i-stay sa bahay ni Kuya…”

Bumahid ang gulat sa mukha niya. Parehong-pareho sila ng reaksyon ni Ziljian. Kaya siguro ako panatag na kasama siya. Hindi pa man kami matagal nagkakasama ni Zaire, pakiramdam ko na mabait din siyang tao.

“Viah nga pala,” pagpapakilala ko sa kanya.

Nilahad ko ang kamay ko na agad niyang tinanggap. Isa siyang Architect, mukhang nasa lahi talaga nila na magaling gumuhit. Habang si Ziljian naman ay sa pagpipinta.

“How old are you?” tanong ko.

“Twenty-five…”

My eyes widened. “Hala! Totoo? Isang taon lang ang tanda mo sa ‘kin!”

“Birthday ko na next month,” aniya at uminom ng tubig. 

“Malapit na rin ang birthday ko!” nasabi ko na lang. “Pero two months pa talaga.”

Hindi ko talaga maalis ang tingin ko kay Zaire. Alam kong masama na ipagkumpara silang dalawa ni Ziljian, pero para talaga silang kambal! Ganoon siguro kalakas ang genes ng father nila kaya magkamukha sila kahit na magkaiba ang nagluwal sa kanila.

“Mahal ko si Ziljian,” pag-amin ko at tipid na ngumiti. “Pero kaibigan lang ang tingin niya sa ‘kin…”

Nangalumbaba ako. “Baka pwede ako sa kapatid niya?”

“Sure,” agad niyang sagot na ikinagulat ko.

“Joke lang, uy!” Pagtanggi ko. “Hindi pwede ‘yon! Baka masaktan ka lang kita!”

“I don't care,” aniya at hinawakan ang isang kamay ko. “Single ka naman, Viah…”

Nanatili ang hawak niya roon. Matagal akong napatitig doon, bago ko tuluyang hilahin palayo ang kamay ko. Mukhang alam ko na ang pagkakaiba nilang dalawa ni Ziljian.

Halatang makulit si Zaire. Madaldal din siya. Hindi katulad ni Ziljian na bilang lang ang salita. Mukhang magkakasundo kami ni Zaire na parehas ang ugali.

Embrace Me In Your Arms (Embrace Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon