Chapter 10

15.2K 343 577
                                    

Chapter 10

“Ano?!” gulat na napatayo si Zera. “Nagbago na ang isip mo? Wala ka nang balak magpakilala sa kaibigan ni Max?!”

Mabagal akong tumango. “Pwede naman sigurong umatras, ‘no? Siguradong hindi rin niya ako hahanapin.”

“Akala ko ba hindi magbabago ang isip mo?” Muli siyang bumalik sa pagkakaupo. “Umasa na ‘yong tao na makilala ka!”

Hindi ko rin alam kung bakit gusto kong umatras sa plano namin. Ako pa ang nagpumilit kay Zera na ipakilala ako sa ibang lalaki. Tapos ako rin pala ang aayaw.

Mas pipiliin ko na lang na maghintay. Gagalingan ko talaga ang panlalandi ko kay Ziljian! Iyong tipong wala na siyang magagawa pa kundi ang bumigay sa akin. Darating din ang araw na iyon.

“Bawal akong umatras?” tanong ko pa. “Okay lang naman na magkita pa rin kami, pero baka isang beses lang.”

“Bahala ka.” Inis niyang hinilot ang sentido niya. “Akala ko ba, gusto mong maglaho ang feelings mo kay Ziljian? Ikaw pa nga ang nag-suggest na ipakilala kita sa ibang lalaki!”

“Hindi ko pala kayang gawin,” pag-amin ko. “Alam mo ‘yon? Parang hindi ko kaya kung hindi si Ziljian ang lalaking nakakasama ko.”

“Congrats sa ‘yo, Viah,” aniya at pumalakpak pa. “Nagiging tanga ka na!”

Sumimangot ako habang patuloy pa rin si Zera sa pagpalakpak. Alam kong aasarin niya lang ako! Pero hindi ko naman magawang magtago ng sikreto sa kanya. Siya pa rin palagi ang taong nakakaramay ko.

“May ibang mahal si Ziljian…”

Napasinghap si Zera. “Totoo ba ‘yan? Paano mo nalaman?”

“Nalaman ko lang sa pinsan niya. Mukhang totoo naman dahil nakita ko ang reaksyon ni Ziljian. Posibleng mahal niya pa rin ang babae.”

“‘Yon naman pala, may ibang mahal si Ziljian,” sabi ni Zera at umiling-iling. “Kaya bakit gusto mo pa rin na ituloy ang feelings mo sa kanya?”

“Hindi siya nagawang piliin ng babae,” tipid akong ngumiti. “Kaya gusto kong maramdaman ni Ziljian na… kayang-kaya ko siyang piliin. Kahit na hindi niya masusuklian ang nararamdaman ko.”

Hinawakan ni Zera ang kamay ko. Nakikita ko sa mukha niya ang lungkot. Kung kanina lang ay naiinis siya sa akin. Ngayon naman ay gusto niya akong damayan.

“Dati ang mga panlalandi mo lang kay Ziljian ang nirarant mo sa ‘kin. Ngayon naman, kung paano ka na maging tanga sa pag-ibig.”

Wala akong ideya kung hanggang saan ako dadalhin ng nararamdaman ko para kay Ziljian. Na tipong magagawa ko ang bagay kahit na imposible. Hindi ko naman inaasahan na ganito pala magmahal!

Hindi ba pwedeng mahalin na lang din ako ng taong mahal ko? Bakit kailangan pa akong pahirapan?!

Kumbaga sa pag-aaral. Bakit kailangan mo pang mag-aral kung natural naman talaga na bobo ka?!

“Ah, basta, Viah, kailangan mo pa rin sumipot sa date n'yo ng kaibigan ni Max,” pagpapaalala ni Zera. “Hindi pa naman sinasabi kung kailan, pero dapat handa ka.”

“Oo na! Sisipot ako sa first meet namin.”

Tumayo na si Zera at inayos ang sarili niya. May trabaho pa kasi siya. Inabala ko lang ang oras ng kaibigan ko. Sakto rin naman na may bibilhin ako kaya ako lumabas.

Wala na akong napkin! Malakas ang kutob ko na malapit na ang period ko. Tubuan ba naman ng tigyawat ang tuktok ng ilong ko. Nahihiya tuloy akong humarap kay Ziljian.

Embrace Me In Your Arms (Embrace Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon