Chapter 26

7.3K 185 750
                                    

Chapter 26

"Pretty ba 'ko?" tanong ko. "Bagay ba kami ng Kuya Ziljian n'yo?"

Nagpa-cute pa ako sa harapan ng kambal. Nasa gitna kami ng kama habang nakikipaglaro ako sa kanila. Nakita lang nila ang makeup ko, gusto na nilang kulayan ang mukha ko. Hinayaan ko na lang sila.

"Pretty!" sabi ni Erina at niyakap ako.

"Super pretty, Ate Viah!" Niyakap din ako ni Ariana.

Parehas ko silang niyakap. Habang tumatagal ay nakuha ko na rin ang loob nila. Hindi na sila gaanong clingy kay Ziljian. Sa akin na sila mas humahabol. Malaya na si Ziljian na gawin ang gusto niya.

"May secret ako sa inyo. Huwag n'yong sasabihin sa Kuya Ziljian n'yo, ha?"

Tumango silang dalawa. "Yes po!"

Una kong binulungan si Erina, sumunod naman si Ariana. Parehas silang napatakip sa bibig, gulat na gulat sa sinabi ko. Napangiti na lang ako sa reaksyon nila.

"Ano 'yon?" boses ni Ziljian. "So, may sikreto na kayo sa 'kin, girls?"

Napasinghap kaming tatlo. Hindi namin namalayan na nakasandal na sa dingding si Ziljian. Nakaawang pala ang pinto at pumasok siya. Wala akong ideya na pinapanood niya kami.

"Wala, ah!" agad kong tanggi at tiningnan ang dalawa. "Right, girls? Wala tayong sikreto sa Kuya n'yo."

"Opo!" Magkasabay na sabi nila. "Wala po kaming secret, Kuya!"

He raised a brow. "Really?"

Mabagal kaming tumangong tatlo. Hindi na rin nangulit si Ziljian. Pinalabas niya ang kambal dahil tinatawag na sila ng Mama nila. Nilapitan agad ako ni Ziljian at tinitigan ang mukha ko.

Bigla na lang siyang natawa. Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin. Para akong clown! Kaya pala gandang-ganda sa akin ang kambal dahil sa kalokohan nila.

Magdamag tuloy na naglalambing sa akin si Ziljian. Tawanan ba naman ako! Hindi ko siya pinapansin, kahit na ano pa ang panlalandi ang gawin niya sa akin.

Pero sa pagkain na niluto niya, bumigay agad ako. Habang tumatagal ay mas lalong sumasarap magluto si Ziljian. Pati nga rin si Mama, palagi na rin siyang tambay sa kusina. Sobrang taba ko na tuloy. Nag-aalala ako na baka hindi na magkasya pa ang wedding gown ko.

Kinabukasan ay nagpahatid ako kay Ziljian papunta sa condo ni Zera. Kasama pa niya ang kambal na balak niyang ibili ng mga laruan. Sila ang may lakad ngayon at hinayaan ko na lang.

Nagkakilala na rin ang pamilya namin. Nagustuhan agad ni Mom ang Mama ni Ziljian. Magkaibigan na nga silang dalawa. Nakatutuwa lang na tanggap nila ang isa't isa bilang pamilya.

"Naiiyak ako, Viah!" Maluha-luha na nga si Zera. "Isang linggo na lang, kasal n'yo na!"

"Kahit naman kasal na ako, guguluhin ko pa rin ang buhay mo."

"Gaga ka!" Niyakap niya ako. "Syempre, gusto ko 'yan! Guluhin mo lang ako, sasama agad ako sa 'yo!"

Isang linggo na nga lang ay kasal na namin ni Ziljian. Nakahanda na ang lahat. Ang araw na lang ang hinihintay namin. Kaunting tulog na lang ay dadalhin ko na ang apelyido ng lalaking mahal ko.

"Hindi ka man lang nag-bridal shower!"

"Huwag na," pagtanggi ko. "Ikaw lang naman ang kaibigan ko. Sapat na ako sa ganito."

"Ayaw mo talaga?" Pangungulit niya pa. "Pwede akong mag-invite ng iba kong kakilala, para naman makapagsaya muna tayo bago ka ikasal."

"Thank you, Zera..." I smiled at her. "Pero hindi na talaga kailangan pa na mag-bridal shower. Masaya naman ako."

Embrace Me In Your Arms (Embrace Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon