Chapter 14
“Bakit, Zaire?” I asked him. “May kailangan ka sa ‘kin?”
Nag-message si Zaire kagabi na gusto niyang makipagkita sa akin. Hindi naman niya sinabi ang dahilan. Pumayag na lang ako dahil gusto ko pa siyang mas makilala.
Hindi ko type si Zaire. Kahit na magkapatid sila ni Ziljian, at malaki ang pagkakahawig nilang dalawa. Si Ziljian lang talaga ang mahal ko. Hindi magbabago iyon.
Malandi ako, pero sa iisang lalaki lang. Kahit pa landi-landiin ako ni Zaire, hindi ako magpapadala sa kanya. Hindi ganoon kababaw ang nararamdaman ko kay Ziljian para lang maakit agad ng iba.
“Wala ‘kong work ngayon kaya susulitin ko nang bumili ng gift para sa ka-trabaho ko,” aniya. “Kailangan ko ng tulong mo, Viah.”
“Ah…” Tumango-tango ako. “Birthday ba?”
“Wedding…”
“Kasal na naman?!” Sumimangot ako. “Talagang nilalapitan ako niyan, ah…”
Sa sunod na buwan ay may pupuntahan kaming kasal ni Ziljian. Aaminin kong excited na ako. Ang habol ko rin kasi doon ay ang magandang beach sa Batangas. Kailangan ko nang bumili ng swimsuit na susuotin ko.
Syempre hindi pwedeng hindi ako magpakabog doon. Aakitin ko nang malala si Ziljian.
“Why?” He raised a brow. “Ikakasal ka na ba?”
“Paano ako ikakasal kung hindi naman ako mahal ng kapatid mo?” Sumimangot ako. “Hindi na lang ako mag-aasawa!”
“I’m here,” aniya kaya napalingon ako sa kanya. “Pwede ako…”
“Pakakasalan mo ‘ko?”
Mabagal siyang tumango. “I like you, Viah…”
“Galing mo talagang magbiro, Zaire!” Mahina ko siyang hinampas. “Baka mapaniwala mo ‘ko!”
“Mukha ba ‘kong nagbibiro?” seryoso niyang tanong. “Gusto mo bang patunayan ko sa ‘yo na gusto kita?”
Hindi ko magawang umimik. Kung ganito lang sana si Ziljian, hindi na sana ako nasasaktan pa. Hindi ako aasa at maghihintay. Pero malaki talaga ang pagkakaiba nilang dalawa.
Kahit na walang kasiguraduhan na magugustuhan din ako ni Ziljian, gusto ko pa rin na manatili sa tabi niya. Na palagi akong babalik at uuwi sa kanya.
Pero ano ang gagawin ko kay Zaire? Hindi ko makita sa mukha niya na nagbibiro siya. Halatang gusto niya talaga ako.
“Mahal—”
“I know,” tipid siyang ngumiti. “Mahal mo si Ziljian kaya siya ang pipiliin mo?”
“Alam mo naman pala…” I bit my lower lip. “Kaya kung okay lang na maging magkaibigan na lang tayo?”
“No,” agad niyang tanggi. “Hindi ako pumapayag na maging kaibigan mo.”
Biglang hinawakan ni Zaire ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Nandito kami sa isang coffee shop. Dito ko napili na magtapo kaming dalawa.
Nagpaalam naman ako kay Ziljian na aalis ako. Pero ang alam niya ay si Zera ang makakasama ko. Hindi ko pa rin talaga masabi sa kanya na kilala ko na ang half-brother niya.
“Hindi kita minamadali, Viah,” usal niya. “Pero sana bigyan mo ‘ko ng chance na manatili sa tabi mo…”
Hindi ko maalis ang tingin sa nakahawak niyang kamay sa akin. Wala talaga akong maramdaman. Kung si Ziljian ang gumawa nito, siguradong sobrang saya ng puso ko.