Chapter 28

8K 194 779
                                    

Chapter 28

“Nasaan po si Ziljian?” tanong ko nang matanaw ko si Ate Marie. 

Kagigising ko lang at hindi ko nakita ang asawa ko. Nanibago tuloy ako na wala si Ziljian. Medyo maaga akong nagising ngayon. Hindi katulad ng mga nakaraang araw na tanghali na akong nagigising.

Ang bilis ng panahon. Magkasama naming ipinagdiwang ni Ziljian ang pasko at bagong taon bilang mag-asawa. Sa susunod ay kasama na namin si baby. Kaunting-kaunti na lang talaga, mabubuhat na namin ni Ziljian ang panganay namin.

Hindi rin mawawala ang kaba ko. Hindi ko pa man nararanasan, pero alam kong mahirap maging isang ina. Kahit sina Ate Linda ay sinasabi sa akin iyon. Syempre mas lamang pa rin ang kasiyahan sa oras na makasama ko na ang anak namin ni Ziljian.

Kasama ko naman si Ziljian na nangangakong magiging mabuting ama para sa anak namin. Pati na rin bilang asawa ko na nagawa na niya noon pa; kahit na wala pa kaming relasyon.

“Nagising ako na wala sa tabi ko ang asawa ko,” sabi ko pa. “May pinuntahan po ba siya?”

“Nasa garden si Ziljian, hija,” tugon ni Ate Marie. “Hindi pa siya nagkakape, kaya siguradong matutuwa ‘yon kapag ikaw ang nagtimpla ng paborito niya.”

Nagtungo agad ako sa kusina at nagtimpla ng black coffee. Ngayon ko na lang uli gagawin ito. Sa mga nakaraang araw kasi ay abala si Ziljian sa pag-aalaga sa akin. Hindi ko man lang mapagsilbihan ang asawa ko.

Mabuti nga na hindi nagtatampo sa akin si Ziljian. Hindi ko na siya malambing-lambing pa tulad nang dati. Ang hirap pala talagang mag-buntis. Palagi nang masakit ang balakang ko, pati na rin ang likuran ko. Pabalik-balik din ako lagi sa banyo para lang umihi.

Hindi naman problema sa akin ito. Ang mahalaga ay healthy si baby. Walang komplikasyon sa kanya kaya masaya kami ni Ziljian. Sinisigurado rin niya na masustansya ang kakainin ko.

Pumasok ako sa garden nang hindi napapansin ni Ziljian. Abala siya sa pagpipainting. Napangiti na lang ako nang makita kung ano iyon. Background na lang ang kulang.

Noong araw ng kasal namin ni Ziljian. Mag-isa lang ako roon habang hawak-hawak ang wedding bouquet. Ang background ko naman ay ang altar. Para akong prinsesa roon.

“Ang ganda naman,” usal ko.

Napasinghap si Ziljian at agad akong nilingon. “What are you doing here?”

“Nagdala ako ng coffee!” I replied. “I’m still your assistant, right?”

Napangiti siya. “You're my favorite assistant.”

“Talaga! Nag-iisa lang naman ako na assistant mo!”

Umayos siya ng upo kaya umupo ako sa kandungan niya. Niyakap niya agad ako at hinaplos ang tiyan ko. Muli kong itinuon ang pansin sa ginagawa niya. Detalyadong-detalyado talaga iyon. May tinitingnan naman siya na litrato ko na guide niya.

“Surprise ba dapat ‘to?”

“Yup.” He chuckled. “Pero nakita mo na, kaya paano pa magiging surprise ‘yan?”

“Sobrang nagustuhan ko.” Napangiti ako. “Kaya tapusin mo ‘yan!”

“Of course.” He gently kissed my neck. “That's for my wife…”

Nagsimula na kaming mag-almusal ni Ziljian. Unmum materna milk ang iniinom ko. May kasama pang cookies na ginawa kahapon ni Ziljian. Nag-request kasi ako sa kanya na sinunod niya agad.

“Wala ka bang gusto, babe?” tanong ni Ziljian habang hinahaplos na naman ang tiyan ko. 

Tapos na kaming mag-almusal pero hindi na siya bumalik pa sa ginagawa niya. Ako na ang pinagtuonan niya ng pansin. Ang bilis talagang kuhanin ng atensyon niya. Lalo na pagdating sa akin.

Embrace Me In Your Arms (Embrace Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon