Chapter 2

12.2K 326 483
                                    

Chapter 2

“Viah!” boses ni Kuya Weiz.

Bigla akong natigilan nang marinig si Kuya. Nasa tapat pa rin ng pinto ko si Ziljian. Nang dahil sa pagkataranta ay hinila ko papasok sa kwarto ko ang lalaki.

Mahirap na’t baka makaakyat pa si Kuya at mahuli kaming dalawa ni Ziljian.

“Dito ka lang,” mahina kong sabi. “Huwag kang lalabas hangga’t hindi ko sinasabi. Hintayin mo ‘ko na makabalik!”

Hindi ko na hinintay pa na umimik si Ziljian dahil agad akong lumabas ng kwarto ko. Pinuntahan ko si Kuya na patuloy pa rin sa pagtawag sa akin.

Nasa living room si Kuya. Umupo ako sa couch at hinintay ang sasabihin niya. Akala ko ay hindi na naman siya uuwi. Hanggang sa matigilan ako nang makita ang isang maleta. Mukhang nandoon ang mga gamit niya.

“Aalis ka?” tanong ko.

“Doon na ‘ko palagi sa condo ko uuwi,” tugon niya. “Ikaw muna ang bahala rito sa bahay. Kapag may problema, tawagan mo agad ako…”

Wala na akong nagawa kundi ang tumango. Naiintindihan ko naman siya. Pagod na siya sa trabaho, tapos magbabiyahe pa siya para lang umuwi rito. Hindi katulad sa condo niya na malapit-lapit sa hospital.

“Paano si Ziljian?” tanong ko.

“May problema ba?” Kumunot ang noo niya. “Hindi ba kayo magkasundong dalawa?”

I looked away. “Hindi naman, pero sure ka ba talaga na hahayaan mo kaming dalawa rito?”

“May tiwala ako sa ‘yo, Viah,” aniya at hinaplos ang buhok ko. “Pati na rin kay Ziljian, kaya panatag ako na iwan kayong dalawa rito. May makakasama naman kayong mga maid.”

Niyakap ko si Kuya. Ngayon na rin siya aalis para bumalik sa condo niya. Kinuha niya lang ang ibang gamit niya. Kumain muna siya bago umalis.

Hanggang sa maalala ko si Ziljian! Nawala na siya sa isip ko. Baka hindi pa rin siya umaalis sa loob ng kwarto ko.

Tama nga ako. Nabungaran ko siya sa loob ng kwarto ko. Nakahiga na si Ziljian sa kama ko at mahimbing na ang tulog! Sa halip na gisingin siya, mas pinili kong pagmasdan siya.

Sobrang amo niya habang natutulog. Para bang hindi siya ang lalaking nakasama ko noong gabi iyon. Magaling siya sa kama, kaya hindi na ako magtataka kung may experience na siya sa ibang babae.

“Sabi ko sa ‘yo na hintayin mo ‘ko,” bulong ko. “Hindi ang tulugan ako…”

Hinintay ko siyang magising pero mahimbing na talaga ang tulog niya. Inaantok na rin ako. Humiga na lang ako sa tabi niya. 

Hanggang sa makatulog na ako. Pagkagising ko ay natigilan ako sa pwesto namin. Nakayakap na ako kay Ziljian! Nakaunan pa ako sa braso niya. Habang siya ay nakatuwid lang ng higa. Ibig sabihin ay ako mismo ang lumapit sa kanya.

“You're finally awake,” he whispered.

My eyes widened. “Kanina ka pang gising?!”

“Kanina pa,” tugon niya. “Pero ang sarap ng tulog mo, kaya hindi kita ginising…”

Umupo ako sa gilid ng kama at inayos ang sarili. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Gising na pala siya pero hinayaan niya lang ako na gawin iyon. Inakala ko lang siguro na unan ko siya kaya ko siya nayakap.

Embrace Me In Your Arms (Embrace Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon