Imee's Pov:
"Anak mukhang mabait yung boss mo" sabi naman ni nanay.
Ang expected ko ay papagalitan ako nito at kukuritin o papaluin na parang bata pero parang nagustuhan pa nya si Rod.
"Nay ... Diba sabi ko sayo, kaya gusto ko dun kasi sya yung sinasabi ko sayo na nag bigay sa akin noon ng chocolates nung bata pa kami. Gusto ko lang makita sya pero wala ako balak magpa kilala kasi di naman nya ko matatandaan na" sabi ko naman dito.
"Bakit di mo sabihin sa kanya ngayon ? Malay mo tanda ka nya ?" Sagot naman nito.
"Diba nga ho alam na nya ? Yun na nga sinabi ko sayo nay kahit di ko sabihin alam nya, kasi yung chocolates na yun nag iisang design lang yun tapos nakita nya yung notebook ko na diary na nandun yung tatlong wrappers kaya nya ko nakilala tapos di nya natandaan yun Imee, yung totoo kong pangalan na Josefa ang nakita nya sa ID ko nun" sabi ko naman dito ulit dahil nakalimutan ata na nasabi ko na sa kanya yung kwento.
"Mukhang pinagla lapit kayo talaga, sya din yung ka deal namin sa bigas pala noon. Maliit ang mundo para sa inyo anak" sagot naman nito.
"Okay lang po ba na mag panggap ako ?" Tanong ko naman dito.
"May choice ba tayo ? Anjan na yan, pero kapag minata pobre ka aalis agad tayo" sagot naman nito.
"Mabait sila nay, kahit yung mga helpers nila at kapatid nya" sabi ko naman.
"Inlove ka parin sa kanya ? Hindi naman kayo nagka sama at nagka kilala lang kayo saglit noon ah" sabi naman nito.
"Nay naman ... Crush lang" sagot ko naman dito.
"Imee ha ? Ang puso baka masaktan !" Paalala naman nito.
"Anak magka iba parin ang mundo nyo, pipili pa rin yun ng ka level nya" dagdag naman nito.
"Nay talaga ! Mapanakit ! Di naman ako umaasa nay. Alam ko yun" kunwari ko naman sagot dito.
Hinawakan lang naman nito ang pisngi ko at ngumiti.
"Pero yung ginagawa nya para sayo, iba talaga baka gusto ka din nun" sabi naman nito at di ko na lang pinansin at tinawanan ko na lang.
Pa 5:30 na at on the way na si boss dito, nag aayos na ako ng pumasok si nanay sa kwarto namin ni Irene dito sa apartment.
"Anak nag luto ako ng beef steak. Yung specialty ko para may madala ka naman doon" sabi naman nito sa akin.
"Okay po nay, dadalhin ko po" sagot ko naman.
"Ate ang ganda ganda ng damit mo at sapatos, mukhang mamahalin" sabi naman ni Irene habang naka dapa sa kama.
"Ingat na ingat nga ako at mukhang designer dress pa ito" sagot ko naman.
"Tignan natin ate kung magkano" sabi naman nito at kuha sa tag nung damit na nasa table.
Nanlaki naman ang mata nito ng makita nya ang presyo.
"Ate 10k na yan ? Eh dress lang yan ah ?" Gulat nito na sabi.
"Baon ko na yun ng kalahating taon ata" dagdag pa nito.
"Kaya nga kailangan ingatan, isasauli ko pa ang mga pinapa suot nya sa akin" sagot ko naman.
"Yung ginamit mo na dress dun sa awarding ate ? Sinauli mo ?" Tanong naman nito.
"Sana kaso nakita ko ulit sa kwarto ko eh naka hang sa closet" sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSS
RomanceA 26 year old Imee who went to manila to chase her dream to work in the number one Chocolate company in Asia. She accidentally met Rodrigo, the CEO of her dream company when she bumped into him and got injured that led her to have the opportunity to...