Rod's Pov:
Nakarating kami ng resort na hindi ko na ito kinausap.
Bahala sya sa buhay nya. Sapat naman na siguro na alam nya kung gaano ko sya ka mahal.
Ang titignan ko na lang siguro muna ay ang anak ko.
Kalong ko naman si Drigo ng magturo ito pababa ulit sa dagat pero mainit naman na at may allergy pa sya.
"Tatay ... There !!!" Pagwawala naman nito at pilit na turo papuntang dagat.
"Later anak, we are going to eat pa ng lunch" sabi ko naman dito at pilit na buhat sa kanya ng maayos dahil dumudulas ito sa katawan ko.
Kinuha naman ito ni Imee at diretcho na pumasok ng kwarto kahit nagwa wala ang anak.
Inutos ko na lang sa helpers namin na dalhan kami ng pagkain sa loob.
Pagpasok ko sa loob ay pinapatulog ito ni Imee.
"Kakain na tayo, pa patulugin mo pa" sabi ko naman dito.
"Na dede ito ... Hindi pa nya need masyado na kumain ng umagahan, tanghalian at gabihan katulad natin" sagot naman nya.
Hindi naman na ako nakipag talo sa kanya at napansin ko naman na wala na ang gamit ko sa may gilid.
"Sana sinabi mo na nasa ibang kwarto na ang mga damit ko para di na ako pumasok dito" sabi ko naman ng seryoso.
Tumingin naman ito sa akin ng may inis.
Bahagya ko itong inirapan at lumabas para hanapin kung saan kwarto nya ko tinaboy.
Pagpunta ko sa helpers ay nag tanong ako sa kanila.
"Saan nyo nakita mam Imee nyo nilagay ang gamit ko ?" Tanong ko naman.
Lahat naman sila ay hindi daw nakita si Imee na nag labas ng kahit ano sa kwarto.
Bumalik naman ako sa kwarto at naka higa na ito at naka yakap sa anak at parang tulog.
Binuksan ko naman ang cabinet at nakita kong naka tiklop ang damit namin dito.
Tumingin ako sa kanya pero tulog ata talaga.
"Nakakainis ka, sasabihin mo lang na inayos mo eh, hinayaan mo pa ko hanapin sa labas. Kung di lang kita mahal talaga Josefa" inis ko naman na sabi dito ng mahina.
Bigla naman may kumatok at dala ang tanghalian namin.
Pagka ayos nito sa may maliit na table ay ginising ko naman ito.
"Josefa ... Kain na tayo" sabi ko naman dito.
Hindi naman ako nito pinansin.
"Dali na ... Gutom na ako" dagdag ko pa habang tinatapik ko ang braso nito.
Hinalikan ko naman ito sa pisngi kahit naiinis ako sa kanya mula pa kagabi.
"Pampawala din ng init ng ulo ... Sayang" sa isip isip ko naman.
Hindi ulit ako nito pinansin at tulog ata talaga.
Hinalikan ko ulit ito sa may bandang malapit sa labi na pero di talaga nag mulat.
Hahalikan ko ulit ito sa pangatlong beses ng harangan na ng kamay nya ang mukha ko.
"Pangatlo nga para I love you eh" reklamo ko naman dito.
"Manyak ka talaga !" Bahagya nitong sigaw sa akin.
"Gusto mo nga ! Naka dalwa na kong kiss di mo naman ako pinahinto" irap ko naman dito at punta sa table.
BINABASA MO ANG
IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSS
RomanceA 26 year old Imee who went to manila to chase her dream to work in the number one Chocolate company in Asia. She accidentally met Rodrigo, the CEO of her dream company when she bumped into him and got injured that led her to have the opportunity to...