Chapter 23

161 18 13
                                    

Rod's Pov:

Nag aayos si Imee ng gamit ko dahil bukas na ang flight ko papuntang America.

Umupo naman ako sa tabi nito dahil tahimik sya na nagla lagay ng mga kailangan ko.

"Thank you love" sabi ko naman dito at ngumiti lang naman sya sakin.

"Ayaw mo talaga sumama ?" Tanong ko naman ulit dito.

Tumingin naman sya sa akin ulit.

"Business trip mo yan eh, sa company na lang ako" sagot naman nya.

"Uuwi ako agad, at tutulong ako sayo sa pag pili ng motif ng wedding natin" sagot ko naman dito.

Tumango naman sya.

Pagkatapos nito mag ayos ay nahiga naman na ito kaya nilapitan ko sya at niyakap.

"Pag kaya ng 2 days love uuwi ako agad" sabi ko naman dito.

Niyakap naman ako nito pabalik at tumingin sa akin.

"Wag lalandi ah ?" Paalala naman nito na kinatawa ko.

"Kahit ilan pa ang pumila love, wala akong titignan kahit isa" sagot ko naman sa kanya.

Hindi naman ito nag react at niyakap ulit ako.

Kinabukasan ay di ko na ito ginising at hinalikan na lang ito at iniwan ng note na may paalala na kumain sa tamang oras at wag magpaka pagod sa company.

...

Nang makarating ako sa America ay driver lang naman namin ang sumalubong sa akin at nagpa diretcho na ko sa bahay.

Kahit kaka dating lang ay tinawagan ko naman si Imee agad dahil mahabang oras ang difference namin at madaling araw na dito at pagabi na dun.

Hindi naman ito sumasagot kahit naka ilang tawag na ako.

Kahit message ay di ito nagre reply din.

Baka busy na o maagang natulog dahil sya lang mag isa sa company at baka maraming ini trabaho.

Nag message naman ako kay Irene kung nakauwi na ang ate nya at kung tulog na ito.

Nag reply naman ito ng "oo Kuya" at wala nang ibang sinabi.

Busy din siguro dahil napasok na ito.

Dumiretcho na lang ako na magpalit ng damit at nag message na lang ulit kay Imee saka ako nag try matulog.

...

Nagising naman ako ng biglang may nagbukas ng curtain ko sa kwarto.

"Rise and shine !" Sabi naman nito at ng tumingin ako ay si Beth pala ito.

"Anong ginagawa mo dito ?" Tanong ko naman sa kanya.

"Okay ka na ba ?" Dagdag ko pa.

"Mag 10am na po ang meeting ay 12" sabi lang naman nito.

"Here ... Kinuha na kita ng mga damit, go take a bath na" sabi naman nito at hila sakin para bumangon.

Nang matapos ako mag bihis ay lumabas naman ako at may breakfast na at nakaupo na din sya.

"Okay ka na ba ?" Tanong ko naman dito.

Tumango lang naman sya.

"Pinapasok ako ni Ate Gwen kanina sabi tulog ka pa daw eh" sabi naman nito.

"Asan anak mo ?" Tanong ko naman.

"Nasa daddy nya ... Hindi parin okay, sinisisi parin ako kung bakit nawala yung anak namin na pinagbu buntis ko" sagot naman nya.

IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon