Imee's Pov:
Nasa kwarto na kami at hindi parin naman ako masyado umiimik dahil naiisip ko parin yung nakita ko kagabi at narinig ko kanina na pag uusap nila ng sundan ko ito na papunta kay Iyay.
Sinend sa kanya ang video kung paano sila nag halikan. Sinadya ni Iyay iyon i video at ipakita kay Rod.
Nakatingin lang naman ako kay Rod habang nagbi bihis ito sa harapan ng salamin.
Pinakiusapan nya si Iyay na wag sabihin sakin ang nangyari sa kanila kagabi.
Hindi ba dapat magiging totoo sya sa akin kung alam na nya at nakita na nya ang ginawa ni Iyay ?
Hindi ba dapat ang una nito na gagawin ay palayuin na ito sa amin ?
Nawala ako sa pagkaka tulala sa kanya ng nasa harapan ko na pala sya at pinahidan ang luha ko napa patak pa lang sa pisngi.
"Love ... Worried na talaga ako. Ano ba nangyari ?" Alala naman nito na tanong.
Umiling lang naman ako dito at tumingin sa kanya mata sa mata.
"Pagod lang ako" sagot ko na lang naman dito.
"Hindi ka pagod lang, anong kinaka sama ng loob mo ?" Tanong naman nito sa akin.
"Wala nga ... Pagod lang kasi diba ako pinag asikaso ni mama na bantayan yung extension ng resort, saka masakit lang ulo ko. Yun lang talaga love" sagot ko naman dito.
Umupo naman ito sa side nya at pinahiga ulit ako sa hita nya at ni massage na naman ang temple ko.
"Bukas para mawala stress mo, ida date kita" sabi naman nito sa akin habang nagma massage sa bandang ulo ko.
"Hindi naman magiging date yun kasi alam kong may manggu gulo" sagot ko naman dito.
"Hindi love, promise ko hindi natin sya papasamahin" sagot naman nito sa akin.
"Hindi mo nga yun matanggihan tapos sasabihin mo lang makulit kasi" sagot ko naman ulit at tumayo na ko at sandal din ng upo sa may headboard.
"I told you love pwede naman natin paalisin at patirahin sa condo ni Yna kung nakukulitan ka na" sagot naman nito.
Tumingin naman ako sa kanya.
"Sige ... Ikaw mag sabi pagka uwi natin" sagot ko naman.
"Okay, ako magpa paliwanag. Pero bukas ida date kita ha ? Punta tayo sa kabilang isla ulit" sabi naman nito.
Tumango na lang naman ako sa kanya.
Bigla naman akong hinila nito palabas at dumiretcho sa may tabing dagat. Kumuha sya ng comfortable bending chair at dun kami parehas umupo ng naka kandong sa kanya at naka yakap sya sa bewang ko at ang pisngi ay naka dikit sa braso ko din.
"Love ... I wanna grow old with you like this ... Ikaw lang yung nakikita kong papakasalan ko at mananatili habang buhay sayo" malambing naman nito na sabi sakin.
Wala naman kami ibang naririnig kung di ang hampas lang ng alon ng dagat.
Tumingin naman ako sa kanya.
"Paano mo alam na ako na talaga ang para sayo ? Wala pa nga tayong taon sa relasyon, technically 3 months pa lang mula ng sagutin kita diba ?" Tanong ko naman dito.
"Pero una kitang nakita at napag masdan habang nakatingin ka sa mga batang nakahanay para pumila sa chocolates at school supply at habang naka ngiti ka din na kita ko sayo na chocolates lang ang gusto mong makuha ay alam ko nang ikaw ang babae na para sa akin" sagot naman nito sa akin.
BINABASA MO ANG
IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSS
RomanceA 26 year old Imee who went to manila to chase her dream to work in the number one Chocolate company in Asia. She accidentally met Rodrigo, the CEO of her dream company when she bumped into him and got injured that led her to have the opportunity to...