Imee's Pov:
Friday na at bukas na ang launch namin ng FaGo winery corp.
As usual nilalandi pa rin ni Cyan si Rod at ako naman ang sumasagot sa mga messages nya.
Kahit gabi ay nagme message ito na out of the topic na sa project.
Meron yung gusto nya makipag bar or magta tanong kung kumain na, kung nasa office ba sya at nagagalit sa akin si Rod kapag bigla bigla ko na lang pinapa punta si Cyan dahil nime message ko na okay lang pumunta.
Nasa room ako ng office kapag nandun sya at tuwang tuwa na naririnig ko kung gaano ka trying hard si Cyan maging interesado si Rod sa kanya.
...
Nandito kami ngayon sa private resort dahil sa kabilang resort ang event for tomorrow.
Si Drigo ay nasa Lolo at Lola nya ngayon sa may pool area kasama sila Manang.
"Hindi pa sinasauli si Drigo ?" Tanong naman ni Rod na may dala ng pagkain.
"Hindi pa, diba sabi ko sabihin mo na ibigay na sa akin ?" Sagot ko naman.
"Love sinabi ko, hindi pa pala sayo binigay. Pupuntahan ko wait lang" sabi naman nito pero pinigilan ko na at hinayaan na lang muna dahil maaga pa naman at di pa masyadong mainit sa labas.
"Maya maya na lang, di pa naman masyadong mainit sa labas" sagot ko naman dito.
Habang kumakain ay nagme message parin si Cyan at ako ang nasagot nito.
"Baka mamaya kayo na nyan boss ah" biro ni Rod sa akin.
"Pina paasa lang naman, mukhang inlove na sayo eh. Ang aga aga nagcha chat" sagot ko naman dito.
"Ang hirap mo naman kaaway, ang tindi mo gumanti" sabi naman ni Rod sa akin.
"Kaya ilayo mo si Iyay at si Beth ... Mahirap na" biro ko naman dito.
Natawa naman ito sa sinabi ko.
Rinig naman namin ang iyak ni Drigo at mukhang papunta na dito.
Kumatok naman si Mama at kalong nito si Drigo na umiiyak.
"Tino toyo na ..." Sabi naman ni Mama at abot kay Rod.
"Baka gutom na po Ma" sagot ko naman dito.
"Ah kaya pala ... Wala kasi sila Manang nasa breakfast kaya di namin maintindihan ang gusto, dede pala. Mik daw, yun lang sinasabi" natatawa naman nito na sabi.
Pinag timpla ko naman na ito at pinahiga sa kama habang hawak nya ang dede.
Bumalik naman ako sa pagkain at binigay naman ni Rod ang phone nya.
"Yan daw suot nya" sabi nito at pina kita ang picture ng beach outfit na ni send ni Cyan.
"2 piece talaga ?" Natatawa kong sabi.
"Malinaw naman sa rules na no sexy outfit allowed, bakit naka beach wear talaga yan ? Eh sa mismong venue ng kalapit na resort hindi naman sa mismong resort sa kabila ang event" sabi naman ni Rod.
"Ewan ko dito ..." Sagot ko naman.
"Mapapahiya yan Imee ... I send mo yung rules" sabi naman ni Rod.
"I did ... Baka trip nya lang magpa sabog dun. Wag natin basagin ang trip" sagot ko naman dito.
"Imee that's over bullying" seryoso naman na si Rod sa pagka kasabi.
BINABASA MO ANG
IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSS
RomanceA 26 year old Imee who went to manila to chase her dream to work in the number one Chocolate company in Asia. She accidentally met Rodrigo, the CEO of her dream company when she bumped into him and got injured that led her to have the opportunity to...