Chapter 16

178 20 25
                                    

Imee's Pov:

3 araw na mula ng dumating si Iyay sa bahay. Para naman akong may kapatid na rin dito sa bahay dahil lagi ito nakikipag usap sa akin.

Mas mahinhin nga lang ng konti kung kumilos kesa kay Irene at Yna, dahil parang aral kasi sa mga action nya.

Sasabay naman ito samin ng pagpasok sa company at ako na lang ang magta train sa kanya dahil ayaw daw nya sa iba at gusto ako ang mag turo sa kanya kung ano ang mga ginagawa sa office.

Dahil mukha naman comfortable sya sa akin ay pumayag naman ako.

Nasa labas naman ito at kalapit ni Cynthia ang table.

Paglabas ko ay busy ito sa computer nya at ng tignan ko si Cynthia ay palihim itong napa irap kay Iyay.

"Iyay tapos na ?" Tanong ko naman at nagulat naman ito kaya tinignan ko kung ano ang ginagawa sa computer.

"Hhmmmm ... Bakit kausap ang boyfriend ?" Malambing ko naman pagalit na tanong sa kanya.

"Ate free time nya eh, promise mag print na ko now" sabi naman nito at tumango na lang ako.

Naintindihan ko naman dahil mahirap siguro ang long distance din, dahil nung pumunta nga si Rod sa state ng one week halos di kami mag sabay ng free time.

Hinila naman ako ni Cynthia at kunwaring inilabas.

"Kanina pa nakikipag chat yun, di iniintindi yung utos ni Sir" sumbong naman nito.

"Ngayon lang kasi nag long distance Cynth" sagot ko naman.

"Ay naku Imee, friend ... Wag masyado mabait ha ? Bata yan pero mukhang iba ang sense ko" Paalala naman nito at ngumiti na lang ako at tumango dahil ang oa ng pagkaka sabi nya.

Pagbalik ko ay nakaupo na ito sa harapan ng table ni Rod.

"Dito nga kami magla lunch, ayaw namin lumabas" rinig ko naman sabi ni Rod at napatingin na din sa akin ang dalwa.

"Ate printing na" sabi naman nito sa akin at tumango lang naman ako at umupo sa table ko.

"Ang sosyal Ate ha ? Wala naman pinapa pasok si Kuya dito na iba, ikaw lang" biro na naman nito.

"Yay balik ka na nga dun sa labas, nang gugulo ka lang dito" sabi naman ni Rod.

"Buti natitiis mo ito Ate ?" Sabi naman nito sabay takbo palabas.

"Para tayong may kasama na buang ... Kung di lang dahil kay Mayor eh" sabi naman ni Rod na kinatawa ko na lang.

Maya maya ay pumasok na naman ito at binigay sa akin ang mga papel.

"Here po Ate ... Pwede na ko mag lunch ? Gutom na ako, kaya ako na lang mag isa" sabi naman nito na kinatingin ko kay Rod.

"Love ... Nag order ka na ba ?" Tanong ko naman dito.

"Hindi pa love" sagot naman nya.

"Halika na kain na tayo sa labas. Gutom na din ako" sabi ko naman.

"Love akala ko ayaw mo lumabas ?" Tanong naman nito sa akin.

"Eh walang kasama ito oh, samahan na natin love" sabi ko naman.

Ang mukha naman ni Iyay ay nagpapa awa kay Rod para pumayag.

Tinawag naman nito si Cynthia at inutusan na sya na ang sumabay kay Iyay mag lunch sa labas.

IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon