Chapter 1

187 21 7
                                    

Imee's Pov:

Gabi na ng makauwi si Cynthia sa condo, nagluto naman na ko at pinaki alamanan ang kitchen nya.

"Friend sabi sa akin ni Rod, I mean ni Sir kinuha ka nyang personal assistant ?" Sabi naman nito pagka bukas na pagka bukas nya ng pinto.

"Oo nga eh" maikli ko naman na sagot.

"P-pero paano ? San kayo nagkita ?" Tanong naman nito.

"Nakasalubong ko sya eh tapos nabangga nya ko kaya na sprain yung ankle ko, ayun dinala nya ko sa clinic" sagot ko naman.

"Sa lahat talaga ng makaka bangga mo si Sir Rod pa ha ! Meant to be na makapag trabaho ka din sa company nya" sabi naman nito at diretcho umupo sa may kainan.

Umupo naman na din ako at inabot sa kanya ang pinggan.

"Paano mo nalaman ?" Tanong ko naman dito.

"Sinabi nya sa akin, kaya pala late sya saka nalaman nya kasi na boyfriend ko si Manny kanina tapos nung tinanong ka ayun nalaman nya na magka kilala tayo kasi ako lang naman tinanggap nya kahapon base sa sagot mo sa kanya" sagot naman nito.

"Sabi pala nya isabay na daw kita ng pasok, discuss nyo daw ang trabaho" dagdag pa nito.

"Personal assistant daw eh, tapos sa bahay nila ako titira" sagot ko naman.

"Ay so hindi ka na dito ?" Nalungkot naman nito na tanong.

Tumango naman ako.

"Pero magkikita tayo araw araw, kasi need nya ata ng kasama kahit sa mga travel work nya" sagot ko naman.

"Oo nga, malamang kasi busy yun kaya kailangan talaga may P.A sya" sagot naman nito.

"Anyways ... San mo ito ni order ?" Tanong naman nito.

"Niluto ko yan" sagot ko naman.

Kita ko naman ang gulat nya.

"What ? Magkano sahod sayo ni Sir ? Dodoblehin ko mag stay ka lang sa akin" biro naman nito.

Natawa na lang naman ako.

...

Kinabukasan ay maaga kami nagising at nag ayos.

Nang makarating kami sa company ay agad naman itong sinalubong ng boyfriend nya.

"Ah hon si Imee, sya yung kasama ko sa bahay after the interview. Kaso kukunin na ni Sir Rod as personal assistant" sabi naman nito at pakilala sa akin.

"Hi ... Manny ..." Sabi naman nito sabay abot ng kamay.

Kinamayan ko naman ito at nagpa kilala din sa kanya.

After namin mag usap ay dumiretcho naman kami sa office ni Sir Rod at inintay itong dumating.

Habang inaantay sya ay nakikipag kwentuhan lang ako kay Cynthia ng dumating ito.

"Office" maikli nito na sabi kaya sinenyasan ako ni Cynthia na pumasok na.

Pumasok naman ako at umupo lang ito sa office chair nya at sinenyasan ako na maupo na din.

Umupo naman ako at tinignan lang naman sya.

"50k salary, free lahat even kailangan mo sa katawan, sabihin mo lang kay manang pag mag grocery na sya. Your work is lagi ka lang naka dikit sa akin at sumama sa mga meetings ko at kunin mo kay Cynthia ang weekly sched para alam mo kung san tayo pupunta or dito lang tayo sa office" diretcho nito na sabi.

IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon