Chapter 37

187 21 9
                                    

Rod's Pov:

Dumaan ang isang linggo at pauwi na kami ng manila.

Ang batang maliit naman ay nag iiyak dahil ayaw na ata umalis sa resort.

"Nakatulog na sa sobrang iyak" sabi ko naman kay Imee.

"Puro lang kasi bahay sya, minsan lang lumabas. Kaya kapag nakaka labas ayaw na umuwi" sagot naman nito.

"Sana iniwan na natin sa resort ... Para early training nya" biro ko naman kay Imee.

"Kung ikaw kaya ang iwanan namin dun at wag na pabalikin kahit kailan ?" Sagot naman nito sa akin.

Natawa naman ako at tumingin ito sa akin ng seryoso.

"Lahat na lang love ginawa mong seryoso" natatawa ko naman na sabi dito.

"Puputulin ko na yan dila mo ... May maka rinig na tinatawag mo ko ng love ! Ma chismis pa tayo na nagka balikan" pagalit naman nya sa akin.

"The only chismis na gusto ko Josefa" sagot ko naman at kindat sa kanya.

"In your dreams Rodrigo !" Irap naman nito at pinikit ang mata.

"Wag ka na matulog ... Mag stop na tayo sa restaurant eh" sabi ko naman pero di ako pinansin.

"Sige ... Gisingin na lang kita ng kiss" biro ko pa dito.

"Subukan mo ... Pagpasok mo ng companya may black eye ka" sagot naman nya sakin at natawa ulit ako.

"Sarap mo mahalin Josefa ... May challenge" sabi ko naman dito pero di na ako nito pinansin talaga.

Pag tigil ko sa may parking ng sasakyan ay ginising ko naman ito.

"Josefa ..." Gising ko dito at yung anak naman nya ang naunang nagising.

Nangku kunin ko ito ay nagising naman na sya at tumingin sa labas.

"Nasan tayo ?" Tanong naman nito.

"Mall" sagot ko naman.

"Sabi mo restaurant ... Bakit dumaan ka pa ng mall ?" Tanong naman nya.

"Mag grocery na din tayo para sa condo. Nag message si Manang wala na daw stocks sa pantry" sagot ko naman.

Hindi naman ito nagsalita at bumaba lang sila ni Drigo.

Habang nagla lakad ay naka tulala ang anak namin sa malaking teddy bear na naka display sa may isang store habang lumalakad papalayo mula doon.

"Josefa ... Gusto nya ata nung teddy bear" sabi ko dito.

"I know ... Wag mo na ipa halata na napansin natin" bulong naman nito.

"Kaya naman bilihin eh" sagot ko naman dito.

Tumingin ito sa akin ng masama.

Nakarating naman kami sa kainan at para naman akong naawa sa anak ko na titig na titig dun sa teddy bear kanina.

"Bago tayo lumabas, bilhin natin ha ?" Sabi ko naman kay Imee.

"Rodrigo masyado na sya marami laruan. Wag nyo sanayin na kada gusto nya mabibili nya agad. Isang araw nya lang lalaruin yun tapos naka hagis na agad kinabukasan" sagot naman nito.

"Bata naman yan Josefa ... Kaya naman natin pati ibigay" sagot ko naman.

"Alam ko ... Pero as I told you, lumalaki na sya. We need to discipline him, nakita mo kung gaano sya mag wala pag may gusto. That's not a healthy behavior anymore" sagot naman nya.

IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon