Chapter 18

162 18 21
                                    

Rod's Pov:

Masama ang pakiramdam ni mama kaya eto si Imee at ihahatid ni manong sa Batangas at friday pa ko ng hapon makaka sunod dito at tuesday pa lang ngayon.

"Love ... Ako na mag hatid sayo" alok ko ulit dito pero ayaw pumayag dahil mapa pagod lang ako ng back and forth.

"Ang kulit ... Nakakainis na" sabi naman nito at umupo sa tabi ko.

Hinawakan ko naman ang kamay nito at ini intertwined sa akin.

"Pwede naman kasi si Shasha na lang dun eh" sabi ko naman dito.

"Love, hindi lang naman babantayan si Mama dahil masama pakiramdam, inutos din sa akin na ako din muna mag check sa resort" sagot naman nito.

"Basta tawagan mo ko kapag nandun ka na ha ?" Sabi ko na lang naman dito.

Tumango naman ito sa akin at tumayo.

Nasa tapat naman na kami ng pinto ng yakap ko pa rin ito na kinakatawa na nya.

"Love, ang oa" natatawa nito na sabi.

Hinalikan ko lang naman ito sa noo at lips.

"Pwede na ? Gagabihin kami ni manong papunta dun" reklamo naman nito.

Tumango na lang naman ako at hinatid na ito sa kotse.

Pag alis nila ay papasok naman na ko ng makita ko si Iyay na naka silip sa pinto.

"Bihis ka na, papasok na tayo" sabi ko naman dito.

"Wala si Ate ?" Tanong naman nito sa akin at tumango ako.

"San pupunta ?" Tanong ulit nya.

"Batangas masama pakiramdam ni mama eh si Imee ang gustong pumunta dun" sabi ko naman dito.

"Gang kelan ?" Tanong ulit nya sa akin.

"Weekend, pupunta ako dun ng Friday. Sabay kami uuwi dito" sagot ko naman dito.

Tumango na lang naman ito at takbong pumanik sa taas.

Pagka bihis ay nagulat ako ng naka upo ito sa kama namin.

"Anong ginagawa mo dito ?" Tanong ko naman.

"Ang tagal mo Dong ... Naiinip na ko" sagot naman nito at tumayo sabay lapit sa akin at inaayos ang collar at necktie ko.

"Iyay ako na, kaya ko" sabi ko naman dito at hawak ng kamay nya para bitawan ang damit ko.

Lumayo naman ako at pumunta sa mirror para ayusin ito pero hindi parin ito umalis at umupo ulit sa kama.

Hindi ko na lang naman ito pinansin.

Habang papunta sa office ay may nakita naman itong bukas na cafe at sinabi na imbes na dun sa company mag almusal ay doon na lang at maaga pa naman.

Kahit ayoko ay makulit naman ito kaya pinag bigyan ko din.

"Ako na mago order, bantayan mo itong phone ko" sabi ko naman dito at punta sa counter para mag order.

Pagka balik ko ay hawak nito ang phone ko at binalik sa akin.

"Tumatawag si Ate, di ko masagot kasi iba na password ng phone mo pala" sabi naman nito.

IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon