Imee's Pov:
Makulimlim naman ang panahon pero nasa tapat na kami ng malaki nyang bangka at may engine ito para mabilis maka punta sa kabilang isla.
Kahit na hindi mainit ay nag pasya parin kaming pumunta dahil bukas na kami uuwi at kailangan na din nito pumasok sa office.
Hindi naman umuulan at di naman masama ang panahon sadyang di lang maaraw.
"Sakay na Josefa" sabi naman nito at kuha sa kamay ko para alalayan ako pasakay.
"Sure ka di ito lulubog ha ?" Tanong ko naman dito at tumango naman ito.
Pagsakay namin ay ginalaw nito ang bangka kaya napa kapit ako maigi.
"Ayoko na ! Mag isa kang pumunta dun" inis ko naman sabi at patayo na ng pigilan ako nito at tumatawa pa.
"Joke lang, ang babaw babaw nyan oh. Wala pa tayo sa gitna" sabi naman nito at pinaandar bigla ang bangka.
Humawak ako sa bewang nya at tinago ang mukha sa likod nito dahil sa takot at sa lalim ng dagat.
"Ang bango naman nitong lalaki na to'" sa isip isip ko naman habang ramdam ko ang takot na umaandar ang bangka.
"Josefa ha ! Wag kang mang manyak. Ang baba ng kapit mo sa bewang ko" sabi naman nito pero hinampas ko lang ito sa may tyan at yumakap dito.
"Dito na lang tayo kaya ? Para ganyan lang pwesto mo lagi sa akin" natatawa pa nito na asar.
"Ano ba ! Padaliin mo na maka punta tayo sa kabilang isla" utos ko naman dito.
"Malapit na oh" sabi naman nito pero ng tingnan ko ay nasa gitna pa kami mula sa isla.
Pumikit naman ulit ako at tinago ulit ang mukha ko sa likod nya.
Pagpunta namin sa mismong isla ay inalalayan ulit ako nito bumaba at ng makita ko ito ay maliit lang pala ito at may kubo nga na mas malaki ng konti kesa dun sa may resort at parang isang maliit na bahay na.
Kinuha nito ang pagkain namin at blanket dahil dito daw kami mag picnic.
Hinila nito ang bangka sa bandang gilid para hindi ito lumayo at tinali parin ito sa may coconut tree sa gilid ng bato.
"Let's go" sabi naman nito kaya sumunod ako dito at ako ang may dala ng blanket.
"Bakit ang laki naman ata ng blanket mo ? Wala ka bang picnic blanket ?" Tanong ko naman dito.
"Kung meron, magda dala ba tayo ng ganyan ?" Tanong naman nito sa akin.
"Sungit mo boss" sagot ko naman at una ng pasok sa kubo pero lock ito.
"Josefa" tawag nito sa akin at hagis ng susi sabay sambot ko.
"Naks naman ... Galing sumalo ng love ko" biro naman nito sa akin pero di ko na lang ito pinansin.
Pagbukas ko ay malinis ito at parang isang maliit na bahay nga na may kusina, kwarto at sala.
"Wow ganda dito boss" sabi ko naman at tingin sa kanya.
"Syempre pinalinis ko yan nung isang araw eh, buti nasara ang mga bintana kaya malinis parin at ang labas lang ang madumi dahil sa ulan kahapon" sagot naman nito habang inaayos ang pagkain na dala namin sa kusina.
"Siguro dalahan mo ito ng mga babae noh ?" Tanong ko dito na kinatingin nya.
"Ikaw palang nakaka punta dito. Kahit si Beth ay gang resort lang" sabi naman nito sa akin.
BINABASA MO ANG
IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSS
RomanceA 26 year old Imee who went to manila to chase her dream to work in the number one Chocolate company in Asia. She accidentally met Rodrigo, the CEO of her dream company when she bumped into him and got injured that led her to have the opportunity to...