Chapter 40

169 22 11
                                    

Rod's Pov:

Pag gising ko ay nasa ibabaw ko parin si Imee.

Napa tingin ako sa gilid at nakatingin pala si Drigo na gising na at naka titig lang sa amin na parang nagta taka kung bakit nasa ibabaw ko ang nanay nya natutulog.

"Good morning anak" bati ko pero dulat parin ang mata na nakatingin sa nanay nya.

Niyakap ko naman si Imee at nagising ito.

"Good morning Dri ko" bati naman ni Imee dito pero sa akin naman si Drigo nakatingin.

"Baby ko anak, cute noh ?" Biro ko naman dito.

Niyakap naman ako ni Imee at tumingin kay Drigo.

"Baby ako ni Tatay" asar naman nito kay Drigo.

Lumapit naman ito at tinutulak si Imee sa akin.

"No ... Drigo ... Hug ko lang si Tatay" pang aasar parin nito.

"Love ang aga mo mang asar sa kanya" sabi ko naman.

Tumawa lang naman ito at niyayakap parin ako para hindi mahulog sa pagkaka tulak ni Drigo.

"Nanay go !" Sabi naman ni Drigo at paiyak na.

Hindi parin umalis si Imee at nag kunwari pa na matutulog sa akin.

Dumagan naman si Drigo dito na kinatawa ni Imee.

"Go nanay ! Go" sabi nito at umiiyak at sigaw na.

"Love ang bigat nyo" reklamo ko naman.

"Anak you're heavy, go off me" sabi naman ni Imee.

Natawa lang naman ako sa kanila.

Bigla naman bumukas ang pinto at kinuha si Drigo sa amin na umiiyak.

"Nang ..." Sabi naman ni Drigo at hilig ng ulo nya sa balikat ni Manang.

"Ang aga aga nyo paiyakin, magla landian lang naman kayo" pagalit naman ni Manang sabay alis ni Imee sa akin.

Tahimik naman kami at umalis silang dalwa sa kwarto.

"Kasalanan mo" sabi sa akin ni Imee.

"Bakit ako ? Ikaw jan ang pinapa alis sa akin, inasar mo pa" sagot ko naman.

"Balik ka na nga dun sa kwarto mo, maliligo na ko" sagot naman nito.

"Sabay tayo" pang aakit ko naman.

Hinampas ako nito ng unan at umalis ng kama.

"Managinip ka !" Sabi naman nito at dumiretcho ng bathroom.

Napangiti na lang naman ako ...

Pabago bago ng mood.

Habang kumakain ay pinapakain naman ni Manang si Drigo.

"Kayo ba nagka balikan na ?" Tanong naman ni Manang sa amin.

"Hindi po" sagot naman ni Imee na kinatingin ko at tumingin naman ng matalim sa akin si Imee.

"H-hindi po Manang" sagot ko na lang din.

"Ako ba niloloko nyo ?" Sabi naman nito.

Tumango naman ako at umiling naman si Imee at umiling din ako agad.

Kita ko naman na pinipigilan ni Shasha ang tawa nya.

"Eh bakit kayo mag kasama sa kwarto ?" Tanong naman ni Manang.

IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon