Imee's Pov:
Nasa mall na kami at tapos na kaming mag apply for passport.
Tapos na rin kaming bumili at magpa salon ni Yna.
"Ate sinabi ko kay kuya na di na tayo makaka punta ng office nya kasi hapon na" sabi naman ni Yna habang kumakain.
"Baka need ni boss ng kasama dun Yna ?" Tanong ko naman dito.
"Hindi yun andun si Ate Cynthia noh. Saka maaga yun uuwi dahil birthday ni manang" sagot naman nito.
"Ah birthday ni manang ?" Tanong ko naman.
"Yes ate, hindi nun pinapa lampas ang birthday ni manang eh. Sya kasi nag alaga kay kuya simula bata pa" sagot naman nito.
Pagka uwi namin ay nandito na rin si Rod at tumingin lang naman ito sa amin pero tuloy tuloy na pumunta sa kusina.
"Halika ate, tignan natin kung may handa na si manang, andito na si Kuya eh" sabi naman nito.
Sinabi ko naman na ipapanik ko muna ang mga pinamili namin sa kwarto at susunod na lang.
Habang nasa kwarto ay nag ayos lang naman ako at bumaba na agad dahil baka hanapin ako ni boss.
Pagbukas ko naman ng pinto ay patakbo na ko ng maka bangga ko ito ulit at magka untugan kami.
"S-sorry boss" paumanhin ko naman at dampot ng susi nya sa sahig sabay bigay at hawak ang noo nya na nauntog sa akin.
Payuko kasi ata sya na saktong takbo ko palabas ng kwarto.
"Aren't you always looking where you going ?" Tanong naman nito sa akin sabay tanggal ng kamay ko sa may noo nya.
"N-nag mamadali sana kasi akong bumaba eh" sagot ko naman dito.
Tumingin naman ito sa akin ng may pagka inis at dumiretcho ng lakad papunta sa kwarto nya.
Medyo magkatapat lang naman ang kwarto namin.
"Sungit" mahina ko naman sabi sabay takbo ulit pababa.
Pag punta ko sa kusina ay madaming handa si manang at may malaki pang cake.
"Happy birthday po manang" bati ko naman dito sabay yakap.
"Thank you Imee" sagot naman nito sa akin at yakap din pabalik.
"Yakap ko na lang po muna ang gift ko kasi di ko po alam. Di po ko nakapag handa" nahihiya ko naman dito na sabi.
"Ano ka ba okay lang, maki celebrate ka na lang at masaya na ako dun. Atleast hindi lang si Rody at Yna ang bisita ko. Dumagdag ka na" sagot naman nito.
Nagulat naman ako dahil ang daming pagkain na handa at kami kami lang sa bahay ang bisita ni manang.
Usually kasi sa probinsya kapag ganito ang handa isang buong relatives na ang kakain eh.
Maya maya ay bumaba naman na si Rod at nakapalit na ito ng pambahay.
Napatingin na lang naman ako dahil naka sando lang ito at shorts.
Tumingin naman ito sa akin ng walang emosyon pero nginitian ko na lang ulit.
Hindi naman ako nito pinansin at diretcho na tumabi kay manang.
"Antayin lang natin sila manong at ate shasha, para sabay sabay na tayo kumain" sabi naman nito at naka akbay lang sya kay manang.
Marahil si manang noon yung babae na tumawag kay Rod nung una kaming nagkita sa school at bata pa sya noon. Siguro yung edad ko ngayon ay edad ni manang noon pumunta sila sa lugar namin.
BINABASA MO ANG
IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSS
Storie d'amoreA 26 year old Imee who went to manila to chase her dream to work in the number one Chocolate company in Asia. She accidentally met Rodrigo, the CEO of her dream company when she bumped into him and got injured that led her to have the opportunity to...