Imee's Pov:
"So ilang beses na ?" Tanong naman ni Tommy sa akin.
Dahil kinu kwento ko sa kanya ang ilang beses nang pagli lihim sa akin ni Rod.
Isang linggo na din mula ng makauwi kami sa America at kausap ko ngayon si Tommy sa phone.
"Tatlong beses, nung lasing sya at hinalikan si Iyay na nalaman nya pero di nya sa akin sinabi, kinita nya ng ilang beses si Beth nung unang punta nya ng america, at pangatlo nung isang linggo na nakipag halikan na naman pero kay Beth naman" sagot ko dito.
"Kaya pa ba ?" Tanong naman nito sa akin.
Huminga naman ako ng malalim.
"Imee ... I told you isang beses malampasan ang isang pagli lihim masu sundan na yan ng masu sundan" dagdag pa nito.
"Mahal ko si Rod ... Saka baka kaya ayaw nya sa akin sabihin kasi ayaw nya kaming mag away, o ayaw nya lang akong mag alala o sumama ang loob" sagot ko naman dito.
"Hindi pa ba sumasama ang loob mo nyan ? Hindi ba tinanong mo naman sya kung meron syang nililihim pero tinanggi nya dalwang beses pa. Maintindihan ko pa tinanong mo kung may nililihim ba sya at inamin din nya, pero hindi naman ganun diba ? Dalwang beses syang nag sinungaling ng sagot" sabi naman nito sa akin.
Alam ko naman na tama si Tommy pero ayokong mawala si Rod sakin. Mahal na mahal ko sya na kaya ko syang patawarin ng paulit ulit.
"Alam kong tanga na tingin mo sa akin, pero ramdam ko naman na mahal nya ko, at rinig ko din kung paano nya sabihin kay Beth na mahal nya ko at pinipili nya ko" sabi ko naman dito.
"I know Imee ... I understand, ganyan talaga ang love eh. Pero pag di na kaya, bumitaw ka na kesa ikaw ang maubos ha ?" Paalala naman nito sa akin.
"Be honest with him also, ikaw na ang mag sabi sa kanya na alam mo kung ayaw nya aminin. Then look after, if gagawin nya ulit sa susunod" dagdag pa nito.
"Okay bestfriend ... Noted po" biro ko naman dito.
Natawa naman ito sa akin at sinabi na kailangan na nyang mag trabaho ulit.
Pagkatapos namin mag usap ay inaantay ko lang naman si Rod na nakikipag usap sa team nya dahil meron kaming schedule ng food tasting para sa ihahanda sa wedding.
Exactly 7 weeks na lang ay ikakasal na kami at hindi ko hahayaan na masira ito dahil lang sa epal na Iyay at papansin na Beth na umaaligid sa kanya.
Ako ang pinipili ni Rod, and I should be confident about it. Hindi naman siguro sya magpa pakasal sa akin kung hindi nya ko mahal talaga, dahil sa yaman nya ang dali dali nyang kumuha ng mas higit pa talaga sa akin.
Habang nasa food tasting ay oo lang naman ito ng oo sa akin.
"Love eto masarap" sabi ko naman kahit hindi talaga masarap at lasang coconut lang ang pagka flavor nito.
"Masarap nga love" ngiti naman nito sa akin na sabi.
Sinimangutan ko naman ito at natawa naman sya.
"Hindi talaga masarap ! Umayos na kasi ... Puro ka lang oo eh" pagalit ko naman dito.
"Love ... Kung anong gusto mo dun tayo" sagot naman nito sa akin.
"Pero syempre I need your opinion parin" inis ko naman sabi.
"Masarap nga ito, saka yun at ayun" turo naman nito at tumango na lang ako kahit inis dahil ang mga tinuro nya ay tinuro ko lang naman din sa kanya.
BINABASA MO ANG
IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSS
RomanceA 26 year old Imee who went to manila to chase her dream to work in the number one Chocolate company in Asia. She accidentally met Rodrigo, the CEO of her dream company when she bumped into him and got injured that led her to have the opportunity to...