Irene's Pov:
Nanay's Flashbacks:
"Melda ... Melda wait !" Tawag sa akin ni Henry habang habol habol ako na naglalakad pauwi.
"Melda" mahina pang tawag nito at hawak sa siko ko para pahintuin ako ng lakad.
Humarap naman ako at binigyan ito ng malakas na sampal.
"Paano mo ko minahal ? Paano mo ko nagawang mahalin habang itatali ka sa iba ?" Tanong ko naman dito.
"I'm sorry ... Wala akong magawa, pinag laban kita" sagot naman nito sa akin.
"Kung pinag laban mo ako. Bakit may kasal na magaganap bukas ? Dahil ba mahirap lang ako kaya hindi mo nagawang manalo ?" Sagot ko dito.
Lumuhod naman ito sa harapan ko at humingi ng tawad.
"Melda mahal kita ... Lahat yung totoo, kung pwede lang kitang itanan ngayon gagawin ko" sabi naman nya habang hawak ang dalwa kong kamay.
"Pero hindi mo kayang gawin, ang mahalaga parin sayo ang yaman nyo" sagot ko dito.
"Melda hindi mo mai intindihan ... Kung ganun lang kadali talikuran ang lahat kahit ngayon mismo sa kinata tayuan natin papa kasalan kita" sabi naman nito.
"Puro ka salita ! Ginamit mo lang ako ... Ayoko na kitang makita, mag sama kayo ni Ada !" Sigaw ko naman dito at takbo papa layo mula sa kinalu luhudan nya.
Nakarating ako sa may tree house namin ng umiiyak at napaupo na lang sa ilalim ng mangga.
Bigla naman may nag abot ng panyo sa akin at ng tignan ko ito ay si Ferdi ito.
Lumuhod ito at pinahidan ang mga luha ko.
"Anong ginagawa mo dito ?" Tanong ko naman sa kanya.
"Naramdaman ko lang na malungkot ka" sagot naman nito.
"Ikaw din naman eh" sabi ko naman.
"Yung amin ni Amelia tatlong buwan na at ikaw ang nag comfort sa akin, ngayon ako naman sayo" sabi naman nito at tabi ng upo sa akin.
"Madudumihan ka ... Ang ganda pa naman ng damit mo, yung akin okay lang, bigay lang naman ito ng mga pinsan ko, yung sayo bago" sabi ko naman sa kanya.
Natawa naman sya sinabi ko ...
"Sabi ni mommy bukas daw dun ka kumain kasi birthday nya" sabi naman nito.
Tumingin lang naman ako sa kanya.
"Sabi ko naman kasi sayo ... Hindi kayo bagay eh. Ang tigas din ng ulo mo Melda" sabi naman nito.
"Eh hindi din naman kayo bagay ni Amelia ah ?" Sagot ko naman.
"Kaya nga nag break, kung langit ako mas langit sya. Hindi pwede maging bagay ang hindi pantay" sabi naman nito.
"Ang sakit mo naman mag salita. Porket ba langit si Henry hindi na kailan man sya babagay sa akin ?" Tanong ko naman dito.
"Hindi naman ... Ang talino mo kaya, ginamit ka nga eh para lang sa talino mo. Sabi ko kasi sayo wag ka na dun. Pwede naman maging bagay ang hindi magka pantay ang pamumuhay kaso sa panahon siguro ng magiging anak pa natin, kasi sa panahon natin ngayon ang mayaman para lang sa mayaman unless mabait yung pamilya ng mayaman" paliwanag naman nito.
BINABASA MO ANG
IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSS
RomanceA 26 year old Imee who went to manila to chase her dream to work in the number one Chocolate company in Asia. She accidentally met Rodrigo, the CEO of her dream company when she bumped into him and got injured that led her to have the opportunity to...