Chapter 28

175 20 12
                                    

Rod's Pov:

1 week before the wedding ay nasa bahay na nila nanay si Imee dahil kinuha na muna ito ni nanay until wedding day.

Puro lang kami video call at chat araw araw at minsan ay pinapa dalhan ito ng cravings nya dahil nasa 6 weeks na din ito.

Nag handa naman ng bachelorette party ang mga kaibigan ko sa condo ni Christoft at papunta ako dun ngayon.

"Love uuwi din ako agad, di ko lang mahindian sila eh" message ko naman dito.

"Okay love ... It's okay. Kukunin ko din kay Tommy yung ibibigay nya sakin ha ?" sagot naman nito.

"Okay love, pero pahatid ka kay Tommy pag uwi" sagot ko naman.

Dahil pinayagan ko mag book ito ng sasakyan papunta sa condo ni Tommy ay nag message naman ako kay Tommy na ihatid pauwi ito.

Pag kasi pinipigilan ko ay di ako pinapansin at masyadong mahirap suyuin kaya pinayagan ko narin.

Pagdating sa condo ay si Christoft, Brix at Mike ang nandito at puro wine lang naman ang nandito na nakita ko at walang heavy drinks.

"Wine na lang pre, mahirap na kapag nalasing ka. Baka maghiwalay pa kayo" sabi naman ni Christoft sa akin.

Napailing at napatawa na lang naman ako dito.

Habang nagkwe kwentuhan ay bigla naman pumasok si Iyay.

"Nice to see you again Kuya !" Sabi naman nito.

Galit ako dito dahil sa ginawa nya kay Imee.

"Uuwi na ko" maikli ko naman sabi sabay tayo.

"Kuya nakita mo lang ako, uuwi ka na ?" Para naman pagta tampo nito na sabi sa akin.

"Need ko na din kasi umuwi talaga" sagot ko naman.

"Pare ... Konti na lang oh ! Ubusin na natin to'" pang aakit naman ni Mike.

"Oo nga naman Rod" sabi naman ng babae at pag tingin ko ay si Beth naman ang nandito.

"Ikakasal ka naman na diba ? Di ka na namin madalas mahihila sa ganito" dagdag pa nya.

Tumingin naman ako sa tatlo dahil sabi nila ay bachelorette party at kaming apat lang ang nandito.

"Nag pumilit yung dalwa eh, buti nga busy si Bea" sabi naman ni Christoft.

"I'm sorry pero I can't finish drinking. Ako lang may dala ng kotse, and I need to check Imee din masyado ng gabi" sabi ko naman sa kanila.

"I can drive, di naman ako mag iinom eh" sagot naman ni Beth.

"Mag ex talaga ang magsa sama pauwi. I don't think it's a good idea Beth" singit naman na sabi ni Mike dito.

"Ikakasal naman na sya in exactly 6 days. Walang malice to' Mike" inis na sagot naman ni Beth dito.

"Hindi na Beth, I can ..." Sabi ko naman dito.

Nagpaalam naman na ko sa kanila at lumabas na ng condo ni Christoft.

Naintindihan naman ng mga kaibigan ko pero si Beth ay hindi dahil ramdam kong sumunod ito sa akin.

Nasa may isang elevator na ko ng hilain ako nito bigla.

"Rod anong kasalanan ko ? Bakit mo ko nilalayuan ? What did I do to deserve this from you ?" Sabi naman nito ng umiiyak.

"Beth wala ... Ayoko lang magka problema kami ni Imee, she and our baby are more important to me than to anyone around me" sagot ko naman dito.

IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon