Chapter 38

175 19 11
                                    

Imee's Pov:

Pagbalik ni Rod ay nasa room naman na kami dito sa office nya at tulog na si Drigo.

Binuksan naman nya ang pinto at umupo sa kama at sumandal naman ako sa headboard.

"Ano nangyari ?" Tanong ko naman dito.

"Ayun pinipilit parin na sila ang piliin. Sabi ko kailangan ko din i entertain yung 2 na potential investors at hindi naman ako ang pipili" sagot naman nya.

"Sinabi mo ba na related ako sayo ?" Tanong ko naman.

"Hindi ... Sabi ko may iba akong business partner sa chocolate drink na pipili din sa kanilang tatlo. Naka online lang sa presentation at bidding dahil nasa ibang bansa at sa launch pa ang uwi. Para di sila mag hinala na ikaw" sagot naman nito.

"Tinanong ka din kasi kung totoo na ex fiance kita" sagot naman nito.

"Anong sabi mo ?" Tanong ko naman dito.

"Sabi ko ex fiance lang kita pero di na kita nakaka usap" sagot naman nya.

"And love muntik ko nang mapalayas yung mag asawa, sinabi ba naman na naanakan ka lang at sinambot ka lang ng anak nya, at nagka hiwalay kayo dahil lumandi ka sa iba kahit sobra sobra ang tulong na binigay nila sayo" sabi naman nito.

Para naman nag init ang ulo ko sa narinig ko.

"Buti na pigilan ko ang sarili ko. Kung wala lang tayong plano na pa bagsakin sila sa top performing brand, nasuntok ko na yung asawa nun eh" dagdag pa nito.

"Hayaan mo na ... Dapat nag pretend ka din na ayaw mo na sa akin" sagot ko naman.

"Sabi nga baka ako daw target mo na balikan kaya di ka pa umuuwi sa Italy ... Di ko lang masabi na hirap na hirap nga ako makipag balikan sayo eh" sagot at reklamo naman ni Rod.

"Anong sagot mo ?" Tanong ko naman ulit at di pinansin ang huli nya na biro.

"Ang sabi ko hindi ko na para balikan ka dahil may anak ka na sa iba at makaka sira iyon na reputation ko sa company, ang mga tanga lumawak ang ngiti at naniwala" sagot naman nito.

Napatawa naman ako ng sabihin nya ang word na tanga.

"Love ... May isa pa silang sinabi eh" dagdag pa nito.

"Ano ?" Tanong ko naman.

"Hindi daw makaka attend yung lalaki nya na anak dahil busy sa pagpa plan ng wedding sa France kaya di nila maka usap, yung anak nila na babae na lang daw ang isasama nila sa event para makilala ko dahil kakauwi lang daw, sinabi pa nga ang age eh 25 daw at single" sagot naman nito.

"Si Cyan ? Hinahanapan nila yun ng bachelor eh, gusto din ipakasal sa anak ng Ceo. For what I know ... Target ka Rod dahil ikaw mismo ang Ceo at walang pamilya" sagot ko naman.

"Ayun ata ang a attend ng meeting bukas" sagot naman nya.

Napangisi naman ako dahil alam ko ang laro nila.

"Tapos aakitin ka ..." Sabi ko naman.

"As if naman mangyayari love ... Hindi kita ipagpa palit" sabi naman nito.

"Play with her game Rod" sabi ko na kinatingin nya ng may pagta taka.

"Pag inakit ka, magpa akit ka" dagdag ko pa.

IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon