Chapter 22

196 20 12
                                    

Imee's Pov:

"60 days ... Kaya ba talaga ?" Tanong ko naman kay Rod at nakaharap kami sa wedding planner.

"Love gusto mo bukas na bukas pa eh" sagot naman nito at hindi sine seryoso ang plano namin pero sya ang unang nag suggest na gumawa.

"Ayoko na nga !" Inis ko naman sagot dahil wala na naman akong nakukuha na matinong sagot mula dito.

"Oy love teka ! Joke lang eh" sagot naman nito sa akin at habol ako.

"Ikaw jan magsu suggest na mag plano in 2 months tapos kaharap pa kita nung nagla lagay ng mga gagawin, di ka makausap ng seryoso ngayon" reklamo ko naman.

"Kaya nga joke lang, nakikita ko lang kasi yung mga schedules, nahihilo na ko love" sagot naman nito.

"Hatiin mo katawan mo !" Sagot ko naman dito dahil ang usapan namin ay sasamahan nya ko makipag meeting sa organizers at walang special treatment na lahat iuutos nya lang.

Tumango naman ito at ngumiti lang.

Palabas naman na ko ng kwarto ng hilain pa ako nito.

"Love may mga schedules kasi na may meetings ako ... Paano yun ?" Tanong naman nya.

"As I said ... Hatiin mo katawan mo, idea mo yan" sagot ko naman.

"Or pwede naman I move na lang ang wedding" dagdag ko pa.

"Ayoko nga ! Na plan na natin yan kagabi eh. Hindi pwede I move" sagot naman nito.

"Edi bahala ka mag adjust" sagot ko naman dito sabay walkout.

Maya maya ay nakaupo lang naman ito na nagla laptop sa kusina habang ako na ang nagluluto dahil dalwa lang naman kaming kakain.

"Love need ko pala pumunta ng America ... Business conference" sabi naman nito.

"Ilang araw ?" Tanong ko naman.

"3 days daw" sagot naman nito.

"Sama ka love ?" Tanong naman din nito sa akin.

"Ayoko, uuwi na lang muna ko kila nanay" sagot ko naman.

"Bukas attend tayo nung di natuloy na reunion ha ?" Paalala naman nito sa akin.

Tumango lang naman ako dito.

Habang kumakain ay parang busy naman ito sa phone at di ata ako pinapansin.

"Hindi nga tayo pumasok sa office, wala din naman dito ang presence mo" reklamo ko naman dito.

"Sorry love ... Nag update lang ako kung sino sino kasama sa conference ng ibang business CEOs" sagot naman nito at nilagay na ang phone sa gilid nya.

After namin kumain ay nag byahe naman kami papunta sa Ilocos dahil Paoay church namin gusto ikasal.

Habang nasa byahe ay nakatingin lang ako sa daan.

"Few months ago, umalis ako ng Ilocos at nagpunta lang ako ng manila para makapag apply at sakaling makita si Rodrigo ulit. Ngayon babalik akong Ilocos ng kasama ko na si Rodrigo para tignan ang simbahan kung san ako ikakasal sa kanya" sa isip isip ko naman habang nakatingin sa daan.

Nawala ako sa pagka katulala ng hawakan ni Rod ang kamay ko.

"Love ... Alam mo ba noon dumadaan lang ako dito na baka sakaling makikita ka ulit, tapos ngayon dumadaan na ko ngayon na kasama ka na" sabi naman nito.

IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon