Chapter 35

160 21 9
                                    

Imee's Pov:

It's weekend na at maaga naman kaming hinila ng ama nya at pinilit parin na pumunta sa kabilang isla.

Ayoko naman talaga dahil maalala ko lang yung mga good memories doon na hindi naman napanindigan.

Binigay ko si Drigo sa kanya ng makaayat sya na una sa bangka at mag isa na kong sumampa doon.

"Naks ... Laki na talaga pinag bago, di na takot" biro nito sa akin.

Hindi ko ito pinansin at kinuha ang anak ko.

Pag andar ng bangka ay natakot naman at nagulat si Drigo at napayapos sa likod ni Rod dahil naka gitna ito sa amin.

"Ang cute naman ng kamay na nakayapos na sa akin ngayon" sabi naman ni Rod at lumingon sa akin.

Tumingin naman ako sa ibang direction.

"Lagi na lang nya pinapa alala yung mga bagay na ganun" sa isip isip ko naman.

Nang makarating kami sa kabila ay parang lumaki at naging isang bahay na talaga ang innovative kubo lang noon.

"Sabi sayo dami na pinag bago" nakatingin naman na sabi nya sa akin.

"Paano dami mo din siguro dinala" sagot ko naman at akay sa anak ko papunta sa bahay.

Hinabol naman ako nito at bumulong malapit sa akin.

"Yun lang ang di nag bago, ikaw parin lang ang nakaka punta dito" ngiti nito na sabi at una ng lakad sa amin.

"Sarap batuhin ng tatay mo anak" sabi ko naman kay Drigo na palinga linga sa paligid.

Pagpasok namin sa loob ay sobrang ganda nito kahit simple lang, lumawak din pero mukhang isa parin ang kwarto.

"Pina gawa ko ng isang bahay na nung time na preparation ng kasal, kasi kung kubo lang dati noon, di tayo magka kasya kasi pangarap ko 3 ang anak eh" sabi naman nito sa akin.

"Sinabi ko bang ikwento mo history nito ?" Tanong ko naman sa kanya.

"Sayo ko ba kinu kwento ? Kay Drigo noh !" Sagot naman nito at kalong kay Drigo.

"Halika anak ... Kwento ko pa sayo yung history ng mga displays kahit pati history nitong mga pinto" parinig naman nya.

"Papansin !" Inis ko naman na sigaw at di sila tumingin sa akin.

Nagpunta na lang ako sa kwarto at andun ang kama na parang pa crib at isa pang kama na double bed ang size.

Inaayos ko naman ang gamit namin at habang naka luhod ay pumasok naman ang mag ama.

"Dede daw Boss" sabi naman nito na may pang aasar.

"Ayun yung padedehan nya itimpla mo" sagot ko naman dito.

Binaba naman nito si Drigo dun sa kama na may harang at inutusan na maupo lang pero tumalon ulit sa kanya.

"Anak I'm going to give you milk, sit down muna" sabi naman nito at umiyak parin si Drigo.

"Dede ... Dede" iyak nito at pakalong sa kanya.

"Tatay ... Dede" ulit pa nya.

Tumingin naman sa akin si Rod na parang gusto magpa tulong.

Hindi ko ito pinansin at diretcho lang ang ayos ng gamit namin.

Humarap sa akin si Rod na kalong si Drigo.

IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon