Chapter 27

186 13 12
                                    

Imee's Pov:

Pag gising ko ay wala na si Rod sa tabi ko at may note naman sa tabi ko ulit.

"Don't forget kumain love, wag ka na din pumunta sa office. No work na starting now. Ingat kayo ni boss baby, message me your cravings para mabili ko pag uwi. I love you"

Napangiti naman ako dahil lagi syang may pa note kapag sya ang maagang nagigising at umaalis ng hindi ako kasama.

Itinago ko naman ulit ito sa Boss note keeper ko at dun nakalagay lahat ng notes na iniiwan nya sa akin.

Pag baba ko ay naka bihis na ko at pumunta na ko kay Manang para mag breakfast.

"San ang punta mo Imee ?" Tanong naman sa akin ni Manang.

"Manang sa office po, ayoko po dito" sagot ko naman.

"Ay hindi pwede Imee. Bilin ni Rodrigo dito ka lang bawal kang lumabas" sabi naman nito sa akin.

"Manang please ? Pahatid ako kay Manong, ayoko po dito eh. Wala din naman po akong kasama bumalik na sila ng resort" sagot ko ulit dito.

"Mag basa ka, or manuod ka. Uuwi si Rodrigo ng tanghali naman eh, dito ka na lang" sabi parin nito.

"Pero Manang ayoko po, mas gusto ko po sa office. Please po Manang hayaan nyo na po ako" sabi ko naman dito.

Wala naman itong nagawa kaya binilin parin ni Manang na ihatid ako sa office.

Pagkatapos ko mag breakfast ay nag baon pa ko ng pancake at sumakay na ng kotse.

Pagdating ko sa company ay masaya naman silang bumati sa akin at pumunta muna ako sa mga amiga ko sa labas ng office.

"Mam totoo po ? Buntis ka po ?" Tanong naman nila sa akin.

Tumango naman ako at ngumiti. Nag si iritan naman sila at nagta talon pa.

"Sana po girl para katulad nyo po, maganda din" sabi naman nung isa.

"Sana naman boy para ala Sir din gwapo and mysterious" sabi naman nung isa.

"Kahit anong gender naman okay lang" sagot ko naman sa kanila.

Bigla naman bumukas ang pinto at si Cynthia pala.

"Friend anong ginagawa mo dito ? Di ka daw pinapasok dahil preggy ka" sabi naman nito.

"Bored ako sa bahay,  mag isa lang ako. Nasan si boss ?" Tanong ko naman.

"Mainit ang ulo ... Late na naman ang packaging brand na nire request nya last week" sabi naman nito.

Tumango na lang ako at nagpa alam sa kanila para puntahan na ito.

Pagdating ko sa office ay hindi ako kumatok at nakatalikod naman ito na parang may kinukuha sa baba ng file cabinet nya.

Dahan dahan ko sinara ang pinto at pumunta dito para yakapin sya sa likod.

Nagulat naman ito at napaharap kaya na out of balance ako at napaupo naman ako agad sa hita nya at agad ako nito nayakap.

"Love" inis naman nya na pagalit sa akin.

Tawang tawa naman ako dito.

"Wag kang nang gugulat ng yakap buti di kita naitulak, nakakainis ka !" Sabi naman nito at halata ang galit at kaba na baka nasaktan nya ko.

"Sorry" sabi ko naman dito at yakap sa may neck nya.

"Diba sabi ko sa bahay ka lang ? Binilin ko pa kay Manang na wag ka paalisin" seryoso parin nya na sabi.

IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon