Rodrigo's Pov:
Tulog pa rin ito at pinag mamasdan ko lang naman sya.
Ang labi nya ... Parang lagi nang nakaka adik halikan.
Akala ko kagabi papalayasin ako nito dahil sa ginawa ko pero parang natulala na naman sya at paikot ikot ng higa. Kaya siguro tulog parin kahit nasa 10am na.
Mukhang di kami makaka uwi ngayon dahil malakas ang ulan at inabutan ata kami ng sama ng panahon kahit sobrang init naman kahapon.
Bigla naman nagising sya at nag stretching pero pikit parin ang mata.
Bigla naman akong niyakap nito at akala nya siguro ay yung unan nya parin sa gilid nya.
Kinapa naman nya ko sa braso at nang mag mulat ay nagulat naman sya at napahiwalay kaya muntik na itong mahulog sa gilid nya, buti at nahawakan ko agad at nahila sa may akin.
"Boss layo layo" sabi naman nito at bahagya akong tinulak palayo sa kanya.
"Hindi tayo makaka uwi" sabi ko naman dito na ikinamungot nya.
"Naulan Josefa, kahit tignan mo pa sa labas" sabi ko pa dito.
Tumango lang naman ito at pumasok na sa bathroom para mag ayos.
Hinintay ko na lang naman sya at dumating naman na ang pagkain namin kaya inayos ko na sa may maliit na table dito sa kwarto.
Paglabas nito ay nakaupo naman na ko at umupo na din ito sa harap ko at diretcho lang na kumuha ng pagkain.
"Josefa ... Galit ka ba ?" Tanong ko naman dito.
Tumingin lang naman ito sa akin.
"Ano ginawa ko ?" Tanong ko pa ulit dito.
"Boss naka dalwa kang kiss sa akin ! Naiinis na ko sayo" sagot naman nito.
Natawa naman ako kahit galit ito sa pagka kasabi nya.
"Seryoso ako ! Ano ba Boss. Tigilan mo na" seryoso na nito na sabi.
"Marry me" seryoso ko din na sabi dito at tingin mata sa mata.
Nanlaki naman ang mata nito at parang di maka paniwala na para bang ang tingin nya ay out of the world na ang pangti trip ko sa kanya.
"Okay ka lang ? Anong catch dito ? Sino kapustahan mo na mapa oo mo ko ?" Hindi parin nito na paniwalang tanong.
"Wala okay ? Seryoso nga ako" sagot ko naman dito.
"Boss ! 2 o pa 3 weeks pa lang ata tayo magka kilala. Okay ka lang ?" Sabi naman nito at napa hampas pa sa lamesa.
"Pero mahabang years na natin hinahanap ang isa't isa" sagot ko naman dito.
"Atleast sa side ko like almost 17 years, dahil kilala mo naman na ko talaga simula nun at alam mo kung san ako makikita" Dagdag ko pa sa kanya.
Hindi naman ito nakapag salita at bumalik lang sa pagkain nya.
"Josefa ... Seryoso ako, seryoso ako sayo" sabi ko ulit dito at tumingin lang sa akin.
"Alam mo ba na hindi ako masyado nakikipag usap ng ganito at di din ako nangungulit. Tapos sayo ginagawa ko maniwala ka lang" medyo inis ko pang sabi dahil di ako nito kinaka usap at tuloy lang ang pagkain nya.
"Okay that's it ! Ayoko na, basta nasabi ko sayo lahat" sabi ko pa dito ulit at tayo sabay labas ng kwarto.
...
BINABASA MO ANG
IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSS
RomanceA 26 year old Imee who went to manila to chase her dream to work in the number one Chocolate company in Asia. She accidentally met Rodrigo, the CEO of her dream company when she bumped into him and got injured that led her to have the opportunity to...