Imee's Pov:
Nasa plane na kami at tulog si Drigo na kalong ni Rod.
Ini yakap ko naman ang kamay ko sa braso ni Rod at inihilig ko ang ulo ko sa balikat nito.
"Are you okay ?" Tanong naman nito sa akin at tumango lang naman ako at pumikit.
Hindi ko alam kung tama itong gagawin ko na magpa kasal kay Rod ng lihim.
Pag nalaman ito ni nanay, sure ako na magagalit ito sa akin.
Pero ayoko din naman na si Rod ang mawala sa buhay ko, Drigo also deserves a complete family na hindi ko madalas naranasan noon dahil sa paulit ulit na hiwalayan at balikan nila nanay at tatay.
Ramdam ko naman na inabot ni Rod ng halik ang noo ko at ng tumingin ako dito ay nakatingin na din sa akin.
"Nagugutom ka na ?" Tanong naman nya.
"Hindi pa naman ... Baka ngalay na yan sa pwesto nya love, ipa higa mo ng kalong sayo" sagot at utos ko naman dito.
Tinanggal ko naman ang pagka kayakap ng kamay ko sa braso nya at inayos naman nito si Drigo ng kalong.
"Namula yung cheek nya" sabi naman nito sa akin.
"Tagal naka hilig sa balikat mo eh" sagot ko naman.
"Ayan na love paiyak na" natatawa naman na sabi nito habang naka titig sa anak nya.
"Gutom na yan" sabi ko naman at bigay ng dede nito kay Rod.
Ipina pahawak naman ni Rod ang dede pero ayaw naman ni Drigo at parang hilo na hilo sa antok kaya kinapitan na lang nya ito.
...
Nang makarating kami sa America ay dumiretcho naman kami sa bahay at walang naka kaalam na ikakasal kami dito.
Kahit gabing gabi na ay gising na gising naman ang bata dahil matagal itong natulog sa plane.
Nagta talon ito sa kama at napa tingin na lang kami sa isa't isa ni Rod dahil mukhang hindi kami matutulog ngayon gabi dahil sa alive na alive na batang makulit.
Nang makapag palit kami ay nahiga naman kami at nasa gitna ito at bilang ng bilang at turo ng turo ng mga colors.
Papikit naman na ako ng bigla ako nitong tinawag at sinampal sampal ang cheek ko ng marahan at pinatingin sa ceiling na may room lights.
"Stars nanay" turo naman nito.
"Yes anak tulog na" sabi ko naman dito at yakap sa kanya.
Bumitaw naman ito at lumipat ng tingin kay Rod na nakapikit na.
"Tatay stars" turo at sampal din sa mukha ni Rod para tumingin ito.
"Yes anak stars ... Sleep na tayo" sabi din nito at yakap nito kay Drigo at alis ulit nito mula sa yakap.
Umupo naman ito at tumalon na pilit inaabot ang stars kahit ang taas ng ceiling.
"Rod ..." Tawag ko naman dito para patigilin si Drigo kaya pina higa naman nito si Drigo ulit at kinausap ulit ito ni Drigo.
Hindi ko naman na namalayan kung anong pinagsa sabi ni Drigo dahil sa sobrang antok at pagod sa flight.
Kinabukasan ay nagising ako at tulog parin si Rod at Drigo.
Mukhang nag one on one sila kagabi.
Pag labas ko ay naglu luto naman na si Gwen.
"Mam anjan po ang breakfast, papainitin na lang po. Lunch na po itong niluluto ko" sabi naman nito.
"Ah ... Late na pala, Sige brunch na lang ako, tulog pa sila eh" sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSS
RomanceA 26 year old Imee who went to manila to chase her dream to work in the number one Chocolate company in Asia. She accidentally met Rodrigo, the CEO of her dream company when she bumped into him and got injured that led her to have the opportunity to...