3 years later

242 21 14
                                    

Rod's Pov:

"Sir nandito po si Mam Iyay" sabi naman ni Cynthia at tumango naman ako at pinapasok sila.

"Dada !" Sigaw naman ni Cia at takbo sa akin.

"Dong excited yan, pinangakuan mo daw ng mall sabi ni Manang" sabi naman ni Iyay.

"Yay lagi mo kasing kinukulong lang sa bahay, kawawa naman" sagot ko naman dito.

"Spoiled talaga !" Irap naman ni Iyay sa akin.

Habang kumakain si Cia ay naalala ko naman na siguro ganito na din kalaki ang dapat anak ko.

Dahil sa stress ay nakunan daw si Imee at ayun ang nakuha kong kwento kila Mang Boy dahil nawalan ako ng connection kay Imee at kahit kay Irene at nanay ilang araw pagkatapos di matuloy ang kasal.

Matagal ko din pinag sisihan dahil alam kong ako ang may kasalanan kung bakit.

Wala akong balita dito pero ang sabi ng asawa ni Mang boy ang alam daw nila ay ilang buwan bago ito nakunan ay may lalaki lang daw na kinaon sila Imee at siguro ay si Tommy iyon.

Kay Tommy ko kasi sila binilin na alagaan si Imee dahil ayaw na ayaw na akong makita nito o kahit marinig.

Ilang buwan lang din ng di na ko sinasagot ni Tommy at mukhang nagpalit na din ng number. Marahil ay nalaman ni Imee na si Tommy ang nagba balita sa akin tungkol sa kalagayan nila.

Ang usap usapan ay nasa Italy na daw sila Imee pero hindi din naman sigurado sila.

2 years old and 2 months lang si Cia at napaka daldal na agad kahit di maintindihan.

Nabuntis ni Brix si Iyay after nitong sapilitan galawin. Kaya halos magkasing edad lang si Cia at ang anak ko dapat dahil 1 month pa lang ang tiyan ni Imee noon ng mangyari iyon.

Natutuwa ako kapag nakikita ito. Sabi sa akin ni Tommy bago nya I cut ang communication namin ay lalaki dapat ang anak namin ni Imee, pero dapat ay halos 2 and 4 months na ito ngayon siguro.

"Huy ! Tulala ka na naman sa anak ko" sabi naman ni Iyay at pitik ng kamay sa harap ko.

"Nacu cute an lang Yay" sagot ko naman dito.

Umupo naman sa harap ko ito.

"Kuya sorry ... Sa lahat kasi ng kalokohan ko na sinasadya ko, sa huli tuloy di na sya naniwala" sabi naman nito sa akin.

"Yay nangyari na ... Mas galit ako kay Brix sa pangra rape nya sayo" sagot ko naman.

"Hayaan mo na. Ang ganda naman ng anak ko eh. Past is past" sagot naman nya.

"Hindi ko alam kung bakit mo pa yun pinatawad talaga. Sira din talaga yang ulo mo" pagalit ko naman ulit sa kanya.

"Kamusta na kaya si Ate Imee ? Masakit siguro noh ? Hiniwalayan ka nya tapos 7 buwan na ng nakunan sya" sabi naman nito.

"Wag mo kong paiyakin ! Hindi ko kayo ipapasyal" masungit ko naman sagot dito.

"Hanapin mo kasi" suggest naman nito.

"Magta tagpo din kami. Baka hindi lang siguro ngayon" sagot ko naman.

Pagkatapos kong mag trabaho ay dumaan naman kami sa restaurant muna at nakita namin si Beth at ang binalikan na asawa nya na paalis naman na.

Tipid naman akong ngumiti lang sa kanila at pumasok na agad sa restaurant.

Narinig ko pang bumati si Iyay dito.

IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon