Rod's Pov:
"Love ... Ang ganda dito malapit din sa simbahan kaya di mahihirapan ang guest natin na pumunta after wedding para sa reception" sabi ko naman kay Imee habang nagpi picture dahil nama mangha din sa reception venue.
Lumapit naman ako sa kanya at inakbayan sya na kinatingin nya.
"Picture tayo" sabi nito at hinila ako sa may malaking hammock swing dito.
"So hindi ko na tatanungin kung gusto mo, nasa mukha mo naman love" sabi ko naman dito at ngiting ngiti itong tumango.
Nang makuha namin ang venue ay umalis naman na kami at nag akit sya sa restaurant. Wala naman syang cravings daw pero tinatamad daw sya magluto.
Habang inaantay namin ang pagkain ay nakatingin lang ako dito.
"Akala ko love, simple life ? Ngayon nasa restaurant tayo" biro ko naman dito.
"Tinatamad ako magluto tapos di ka masarap magluto" sagot naman nito ng pataray.
"Grabe ka naman sakin love, sarap na sarap ka kaya sa akin" biro ko ulit dito.
"Ay ano pala sa luto ko" bawi ko naman biro nang tignan nya ako ng masama.
Di naman ako nito pinansin na at saktong lagay ng server ng pagkain namin.
Habang kumakain ay natutuwa naman ako na pag masdan ito.
Still the same, parang hindi ngumu nguya at laging sarap na sarap sa kinakain.
Bigla na naman ito nabulunan at abot ko ulit ng tubig sa kanya.
Tumingin naman sya sa akin.
"Sana'y na ko Josefa" sabi ko naman dito dahil ilang beses ko na pinagsa sabihan na mag dahan dahan sa pagkain.
"Alam mo love malapit na ko ma newspaper" sabi ko naman dito na kina tingin nya.
"Nakalagay na headlines: Ceo ng number one chocolates in Asia mukhang di pinapa kain ang kanyang fiance dahil sa sobrang pagkain nito sa restaurant" biro ko naman sa kanya.
"Tatlo !" Masungit nito na sagot.
Kanina pa pala ako binibilangan.
"Bakit tatlo ? Pangalawa pa lang love" reklamo ko naman.
"Inubos mo ang ice cream ko na pina hawak ko lang sayo kanina" sagot naman nito.
"Kasama yun ? Seryoso ? Love sabi mo hawakan ko hanggang lunch. Okay lang sana kung naka cup yun at di matutunaw kaso love binili mo sa dirty ice cream na naka cone, edi lagkit lagkit na ng kamay ko ngayon kung sinunod kita" mahaba ko naman paliwanag.
"Ah basta kainis ka ! Wala tuloy dumadaan na sa labas" inis parin nya na sagot.
"May ice cream dito, order kita love" sagot ko naman.
"Ayoko ! Gusto ko yung sa nagti tinda sa labas, mas miss ko yun lasa nun" sagot naman nito.
"Bukas love dadaan ulit yun" sagot ko naman.
"Kasi kinain mo pa eh" irap pa rin nito na sagot.
"Tino toyo ata itong mahal ko. Ano pa kung maglihi ito" sa isip isip ko naman.
Hindi naman na ko nag biro at sinimulan na lang kumain.
"Love ... Ayoko na" sabi naman nito at parang kalahati lang kinain nya.
BINABASA MO ANG
IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSS
RomanceA 26 year old Imee who went to manila to chase her dream to work in the number one Chocolate company in Asia. She accidentally met Rodrigo, the CEO of her dream company when she bumped into him and got injured that led her to have the opportunity to...