Chapter 8

155 21 10
                                    

Imee's Pov:

Gabi na at di ko na nakita si Rod simula nung nag irapan kami.

Tapos na din kami kumain at di ko naman matanong kung nasan ito. Dahil parang normal sa kanila na bigla bigla na lang iyon nawawala.

Nag lakad lakad naman ako sa may tabing dagat at malamig naman ang hangin.

Habang naglalakad ay natanaw ko naman ang isang kubo at pumunta naman ako doon dahil nacu curious ako at parang bukas pa ang dim lights nito kahit wala naman atang tao.

Pagpasok ko sa kubo ay naka higa naman dito si Rod at tumingala ito sa may banda sa akin pero di ako pinansin at pumikit lang ulit.

Mukhang nag inom din ito ng wine dahil may isang bote at baso sa may maliit na table sa tabi nya.

Umupo naman ako sa kabila pero hindi parin ito nag abala na tignan ako.

"Halika na ... Balik na tayo dun" sabi ko naman dito pero hindi ito nag abala sumagot.

"Naman boss eh ! Kainis ka" sabi ko naman dito pero di parin ito tumingin sa akin.

"Bahala ka jan" sabi ko naman dito at umalis sa kubo.

Hindi parin naman ito sumunod at di din nag abalang bumangon kahit lingunin ko ito habang lumalakad.

"Ilo lock ko talaga ang pinto, matulog ka sa labas" mahina ko naman reklamo at dali daling bumalik ng kwarto.

Nagpalit naman na ko ng pantulog at humiga sa kama na sakto lang sa amin.

"Mukhang konting galaw magigising ako na kayakap na yun ah" sa isip isip ko naman.

"Mabuti nga dun na lang sya sa kubo" dagdag ko pa.

...

Maya maya ay papikit na ko ng kumatok na ito at ng buksan ko ay dumiretcho lang ng lakad at palit ng pantulog nya sa bathroom.

Hindi ko naman ito pinansin at humiga lang ulit sa kabilang dulo at nag try na matulog na lang.

Ramdam ko naman na humiga na din ito at ng tignan ko ay nakatingin ito sa akin.

"Matulog ka na" sabi lang naman nito sa akin.

"Bakit parang ikaw pa galit ?" Sagot ko naman dito.

"Hindi ako galit Josefa" sabi naman nito sa akin.

"Imee ! Ano ba Boss ! Imee nga eh. Josefa naman ito ng Josefa eh" inis ko naman na sabi.

"Matulog ka na" sagot lang nito.

"San ka nang galing ? Nasa kubo ka lang mula tanghali gang gabi ?" Tanong ko naman dito.

"Bar area, nung hapon na ko lumipat sa may kubo" sagot naman nito.

"Hindi ka talaga hinahanap nila noh ? Wala man lang ... Imee si Rodrigo ? Wala silang ganun Boss" asar ko naman dito.

"Kasi alam nila kung nasan lang ako" sagot naman nito.

"Pero fiance mo ko, dapat hahanapin ka nila sa akin. Pero wala talaga Boss. Tuloy tuloy lang sila ng kwento sa akin" pilit ko parin na asar sa kanya.

Tumingin naman ito sa akin.

"Hindi mo ko maaasar, sana'y ako ng hindi hinahanap" sagot ulit nito at talikod sa akin.

"Joke lang eh" sabi ko naman dito ng mahina.

"Pero hinanap mo ko ? I guess ... Kasi kung hindi, di ka ma curious kung nasan ako" sabi naman nito.

IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon