Rod's Pov:
Hindi ako sinagot ni Imee at iniba ang usapan kahapon kung pwede ko na sila iuwi.
Hindi din nya ni confirm kung anak ko si Drigo.
Pero malakas ang kutob ko na anak ko iyon. Impossible na makaka kilala agad ito ng lalaki sa Italy at maanakan dahil sure ako na hindi ganun si Imee.
Mukhang bestfriend parin naman sila ni Tommy din at inamin nya na hindi ito ang ama ni Drigo.
Yung time na narinig ko yung babe mula sa kanya ay marahil pang lusot lang nya para hindi ko na sya kausapin nung araw na yun.
Nag iisip naman ako kung paano ko ulit maso solo si Imee para maka usap ito ng masinsinan.
Biglang kumatok si Manang at binuksan naman nito ang pinto ng diretcho.
"Kakain ka ba ?" Tanong naman nya sa akin.
"Coffee lang Manang" sagot ko naman dito.
Paalis naman na ito ng tawagin ko pa.
"Manang ... Pwede po ba tayong pumunta kila Imee ? Sabihin mo po nabanggit ko sya sayo kaya nag pumilit ka na makita sya dahil miss mo na sya" pakiusap ko naman dito.
Natawa naman ito dahil siguro mukha akong desperado na para lang makasama sila Imee.
Tumango naman ito sa akin.
Hindi ko naman alam kung nandun si Imee sa condo nila pero maaga kami pupunta para sure na di pa ito nakaka alis.
Pag punta namin sa condo ay nag doorbell naman ako at nagda dasal na di pa sila nakakaalis kung meron silang lakad ngayon umaga.
2 doorbell naman na at di parin ito lumalabas.
Pangatlo pa lang ay bigla itong nagbukas at ngiti naman ako na tumingin dito.
"Hindi nakaayos, mukhang walang lakad ngayon araw" sa isip isip ko naman.
"It's Sunday ... Anong ginagawa mo dito ?" Tanong naman nya sa akin.
"Ah m-may naka miss sayo eh, kinuwento kita kasi sa kanya" sagot ko naman at lumabas na si Manang mula sa gilid ko.
"Imee !" Masaya naman tawag ni manang at masaya din si Imee na yumakap agad dito.
"Manang ... Na miss po kita" naiiyak naman na sabi ni Imee dito at pati si Manang ay naluha na.
"Kamusta ka iha ? Ang tagal tagal mo di nagpakita sa amin" sabi naman ni Manang.
Pinapasok naman muna ni Imee si Manang at para akong hangin na di pinansin.
Pumasok naman din ako at ako na ang nagsara ng pinto.
"Manang nag abroad po kasi ako. Upo po kayo" sagot naman nito kay Manang.
"Ang ganda ganda mo parin, tama si Rodrigo mas pa ngayon" sabi naman ni Manang at para naman akong nahiya.
"Bola naman Manang eh" sagot naman nito.
Bigla naman umiyak na ang anak nito kaya dali dali syang pumunta ng kwarto at ng lumabas ay kalong na.
"Ang gwapo gwapo naman ng anak mo Imee" sabi naman ni Manang at tayo sabay lapit sa kanila.
"Hi ..." Bati naman ni Manang kay Drigo.
Kahit naman umiiyak pa rin ng bahagya ay nag wave naman ito kay Manang na kinatawa namin.
"Oh diba Manang kahit naiyak" biro naman ni Imee.
BINABASA MO ANG
IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSS
RomanceA 26 year old Imee who went to manila to chase her dream to work in the number one Chocolate company in Asia. She accidentally met Rodrigo, the CEO of her dream company when she bumped into him and got injured that led her to have the opportunity to...