Chapter 12

206 19 14
                                    

Rodrigo's Pov:

Nandito kami ngayon sa isang kalapit probinsya lang sa manila para tumingin ng bahay.

Kita ko naman si Imee na nakatingin lang sa bawat bahay na tignan namin, pero ang bahay kung san kami ngayon nakatingin ay may kislap sa kanyang mga mata kaya bumaba kami at tinignan ito.

Hindi naman ako nagka mali at kita ko na gustong gusto nya ang bahay lalo na ng matignan namin ang loob nito.

Simple lang ang design nito pero elegant at classy tignan.

"Eto po ang pinaka simple na bahay dito pero ang mga materials po na ginamit ay galing pang Europe pati po ang architect at naging engineer nitong bahay" explain naman ng real estate agent.

"Price ?" Tanong ko naman.

"350 million Sir, this the most simple house but the materials are very expensive po kasi" sabi naman ng agent.

Tumingin naman ako kay Imee na parang nabibigla sa narinig nya.

"Ano Josefa ? Maganda ba para sa vacation house ?" Tanong ko naman dito na kinatingin nya.

"Boss vacation house ? Eh may bahay ka na sa mindanao, meron din sa manila. Ano pang need mo dito ?" Tanong naman nito sa akin.

"Josefa hindi ko naman bahay yung sa Davao sa parents ko pa yun at yung sa manila kay Yna ko yun ibibigay" sagot ko naman dito.

"Saka malapit ito sa manila, 2 hrs away lang naman" dagdag ko pa.

"Boss ang mahal" bulong naman nito sa tenga ko na kinatawa ko ng bahagya.

Ang real estate agent naman ay nakatingin lang sa amin at nag iintay ng sagot.

"I will get it. Prepare the papers and update it to my secretary sa company" sabi ko naman sa agent at tumango naman ito kaya umalis na kami.

Habang pauwi ng manila ay parang tahimik naman itong katabi ko.

"Hoy ... Gutom ka na ?" Tanong ko naman dito.

Tumingin naman ito sa akin.

"Ang ganda nung bahay pero ang mahal. Grabe ka naman bumili basta basta. Hindi mo man lang inisip" pagalit naman nito.

"Nag base ako sa kung paano mo tignan ang bawat bahay na tinignan natin. Kita ko na gusto mo yung bahay na yun, eh kung may makakuha pa na iba ?" Sagot ko naman.

"Boss ikaw baliw ? Ako ba titira dun ? Para naman di mo gusto yung ganun bahay eh ! Saka para naman di mo need. Talaga lang tinamaan ka ng saltik ngayong araw ?" Pagalit parin nito.

Natawa naman ako sa huling sinabi nito.

"May saltik nga !" Bulong pa nito ng nakita nyang natawa lang ako sa sinabi nya.

"Gutom ka na ba ?" Ulit kong tanong dito.

Tumango naman ito kahit nakatingin lang sa daan.

Tumigil naman kami sa isang fast food sa may gas station at dun na kumain.

Habang kumakain kami ay may nag approach naman sa akin dahil nakikilala ako.

"Miss pwede po ba magpa picture kay Sir Rodrigo ?" Tanong naman ng mga babae na kabataan kay Imee.

Ngumiti naman si Imee sa mga ito at kinuha ang camera kahit di naman sa kanya inuutos na sya ang kumuha.

"Ako na mag picture" alok nito.

Pagkatapos magpa picture ay nagpa salamat pa sila kay Imee at nakilala din pala na sya ang fiance ko.

Hindi naman ito nagsa salita at tuloy lang ang kain.

IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon