Chapter 29

227 23 20
                                    

Rod's Pov:

Habang nagda drive ay binabagalan ko naman dahil 10 mins away lang ang layo nito mula sa Coole company.

Gising na din si Drigo at nakatingin sa akin pero natingin tingin din sa laruan ni Cia.

"You want this ba ?" Tanong ko naman kay Drigo dahil natingin sa akin at natingin din sa laruan.

Hindi naman ito nag salita at napatingin lang sa akin ng nakadulat ang mata na akala mo nagulat.

"Ang cute naman ng batang ito ... Parang ako lang sa mga baby videos at pictures ko noon" sa isip isip ko naman.

Inabot ko naman ang laruan at kinuha naman nito na kinatingin ni Imee.

"Hindi na yan ibabalik sa anak mo, dapat di mo na binigay. Magwawala lang to' kapag kinuha ulit" seryoso na sabi nito habang laro na ni Drigo ang blocks ng tahimik.

"Yung bata kahapon ? Anak lang ni Iyay yun kay Brix, I'm still fulfilling my promise to you na hindi na ako mag aasawa kung hindi ikaw" sagot ko naman dito.

Hindi naman ito nagsalita at hindi ako pinansin.

"N-nanay ... N-nanay" sabi naman ni Drigo at pakita nito kay Imee ng laruan.

"It's not yours anak, sauli natin later ha ?" Suyo naman nito kay Drigo.

"Nanay ... Ayun talaga ang gusto nya itawag sa kanya ng anak nya" sa isip isip ko naman.

Pagdating sa company ay kinuha naman ni Imee ang blocks at sinauli ang laruan sa harap at nagwala naman si Drigo at ayaw bumaba.

"Imee it's okay ... Bigay mo na sa kanya" sabi ko naman dito at bigay ulit kay Drigo ng laruan.

"Thank you sa paghatid" sabi naman nito at kuha ng gamit ni Drigo at baba sa kotse.

Tinignan ko naman ito hanggang makapasok ito sa company.

Pagbalik ko naman sa office ay nandun si Iyay kausap si Cynthia.

"Ano na naman ginagawa mo dito ?" Tanong ko naman dito.

"Yung blocks ng anak ko na sa kotse mo noh. Nagwa wala tuloy" masungit naman nya na sagot.

"Naibigay ko sa anak ni Imee eh, bili ko na lang ng bago" sagot ko naman at sabay naman sila ni Cynthia na nagsalita.

"Nakita mo si Imee ?" gulat naman na sabi ni Cynthia.

"Nakita mo ulit si Imee ?" Gulat din na sabi ni Iyay.

Tumango lang ako at pumasok sa office.

Sinundan naman ako ni Iyay sa loob at umupo sa harap ko.

"Kaya pala good mood tayo today, ano ? Kwento" sabi naman nito sa akin.

"Wala hinatid ko lang kasi umulan. Di ko alam kung may asawa eh, pero yung anak Iyay impossible talaga na halos isang taon lang pagitan mula ng nakunan sya, ipagbu buntis pa nya dapat yun eh so dapat end ng month last year lang sya nanganak pang exactly 3 years pa lang yung ngayon diba mula ng maghiwalay kami ?" Panigurado ko naman dito.

Hindi naman ito umusap at parang naguguluhan din.

"Yay ... First year nun, nag hiwalay kami and in 6 months after nun, nakunan sya so kung nabuntis sya agad let's say last month na nun first year dadalhin nya yun gang 2nd year diba ? Until 2nd quarter ? So kung ngayon 3rd year dapat halos 1 lang yung bata pero 1 and a half na daw eh pero feeling ko pa 2 na yung bata kasi parang ka age lang ni Cia" paliwanag ko naman dito.

IN LOVE WITH MY NONCHALANT BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon