Nakasimangot at padabog akong bumaba ng kotse ko.
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin 'yung sinabi ni ate kanina.
Kunot noo akong yumuko habang naka-pamulsa.
"Nakakainis, bakit ko ba 'yon iniisip? Tsaka anong sabi niya? Itigil ko na agad habang maaga pa dahil masasaktan lang ako sa huli? Malamang, kasama kaya sa pagmamahal ang masaktan. Minsan talaga si ate hindi ko rin maintindihan." Naiinis kong sabi habang sinisipa ang mga bato.
"Are you that boring that you're even talking to yourself?" Napahinto ako sa ginagawa kong pag-sipa sa bato ng marinig ko ang isang malamig at familiar na boses.
Huminto ang tingin ko sa heels na nasa aking harapan, dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para tingnan ang taong nagsalita.
"M-ma'am." Napaatras pa ako sa sobrang gulat ng masalubong ko ang malalamig niyang tingin.
It's Professor Volland. She's standing in front of me, dahil naka-heels siya kaya hanggang mata ko lang siya pero tingin ko kapag wala siyang suot na heels hanggang ilong ko lang siya.
Nabalik lang ako sa realidad ng bigla siyang nagsalita.
"What are you still doing here? It's already 7:25, class starts in five minutes." Mataray niyang sabi.
"Ikaw nga rin po nandito pa."
"I approached you because I saw you talking to yourself like you're crazy." Napanguso naman ako sa sinabi niya.
"Stop that, you look like a duck."
"Grabe ka naman po sa akin." Nakangiwing sabi ko.
"Tsk." Inirapan niya lang ako bago siya tumalikod at nag-simulang mag-lakad.
"Ma'am, wait lang po." Mabilis akong tumakbo para humabol sa kaniya.
Hinihingal akong tumabi sa kaniya at sumabay sa paglalakad.
"Don't run." Sabi niya habang diretso lang ang tingin sa dinadaanan namin.
"Ikaw po kasi ang bilis mo mag-lakad." Nagrereklamo kong sabi.
Umiling na lang siya at hindi na nagsalita.
Tahimik lang kaming naglakakad hanggang sa nakarating na kami sa room.
Nauna siyang pumasok habang ako naman ay naka-sunod lang sa kaniya.
Halos magka-sunod lang kaming dalawa na pumasok, buti na lang nga walang naka-pansin.
Well, maliban pala sa isa.
"Hoy, ano 'yon? Bakit magka-sunod kayong pumasok ni ma'am?" Bulong na tanong sa akin ni Ze pagka-upo ko sa aking upuan.
"Nagkataon lang, manahimik ka na lang nga diyan baka makita pa tayo ni ma'am na nag-uusap." Bulong ko rin na sagot sa kaniya.
Magsasalita pa sana siya ng mag-simula na si ma'am na mag-turo.
Sinamaan niya na lang ako ng tingin, tinaasan ko lang siya ng kilay bago ako tuluyang humarap sa harapan at nakinig.
Para akong tanga na nakikinig kay ma'am habang nakangiti.
Shit, ang ganda niya talaga.
Kagat labi kong pinagmamasdan ang maganda niyang mukha, mula sa medyo makapal niyang kilay, sa natural na kulay brown niyang mga mata, sa matangos niyang ilong at pababa sa natural na mapupula niyang labi.
Napalunok ako ng matitigan ko ang kaniyang labi, naalala ko na naman tuloy ang nangyari sa bar last month.
Parang gusto ko tuloy ulit tikman ang kaniyang labi.
Fuck, ano ba itong iniisip ko? Para na akong manyakis, erase erase erase.
Umiling-iling ako para maalis 'yon sa isipan ko.
Nang mag-tagumpay ako na maalis 'yon sa aking isip ay bumaba naman ang tingin ko sa suot niya.
Nakasuot siya ng long sleeve na naka-tupi hanggang siko, ang pang-baba naman niya ay skirt na above the knee.
Kitang-kita tuloy ang makinis at mapuputi niyang legs.
Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at halos matawa ako sa sobrang sama ng tingin niya sa akin.
Imbes na matakot ay kinindatan ko pa siya at nginitian ng matamis.
Mas lalo pa niya akong sinamaan ng tingin, halata na rin tuloy ang inis sa maganda niyang mukha.
"Get a full sheet of paper, we're having a 100-question quiz." Inis na inis niyang sabi.
Gulat ko siyang tinitigan, taas kilay niya naman akong nilingon tsaka niya ako inirapan.
Kaniya-kaniyang reklamo naman ang mga kaklase ko kasama na ako pati si Zera.
Tangina naman beh, biglang nagpa-quiz ang crushiecakes ko.
YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong fell in love with Avianna Volland? Let's see what will happen.