Nakangisi lang ako habang nakikinig kay Avi na busy sa pagdiscuss sa harap.
Mas lalo pang lumawak ang ngisi ko nang mapatingin siya sa pwesto ko.
Pa-simple niya akong sinamaan nang tingin habang busy ang mga kaklase ko magsulat.
Kinindatan ko siya pero ang babycakes ko inirapan lang ako.
Napangiwi na lang ako habang umiiling-iling.
Pinagmamasdan ko lang siya na magturo pero bigla ko naman naaalala ang nangyari kanina sa office niya.
"D-damn you." Gigil na sabi niya kaya mas lalo pa akong natawa.
"Sarap." Kinindatan ko siya pero hinampas niya lang ako sa balikat ko.
"Fuck you." Masama ang tingin na sabi niya.
"Don't worry, I will fuck you later." Hahampasin niya pa sana ako pero bigla akong lumayo sa kanya habang tumatawa.
"Get out." Namumula ang mukha na sabi niya habang nakaturo sa pinto.
"You don't want me to fuck you?" Kunwaring malungkot ko na tanong.
"Tangina." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang marinig ko na naman siyang nagmura ng tagalog.
"Hot." Namamanghang sabi ko.
"Will you leave or I'll throw my laptop at you?" Naiinis na niyang tanong.
"Kaya mo ba? Hmm?" Malambing kong tanong sa kanya.
Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti.
"Do you think I can't do it?" Malambing niya rin na tanong.
Halos manghina ako dahil sa tingin niya tapos idagdag mo pa ang nakakamatay niyang ngiti at malambing niyang tanong.
I snapped back to reality when she suddenly slammed her laptop on my head.
"O-ouch." Reklamo ko habang hinihimas ang ulo ko na pinukpok niya nang laptop.
"Tsk, get out now." Masungit niyang utos.
Pinaningkitan ko lang siya nang mata bago ako yumuko at dinampian siya nang halik sa labi.
Dali-dali akong lumayo sa kanya at kinuha ang bag ko sa sofa bago lumabas nang office niya.
"Hell!!" Rinig kong tawag niya sa pangalan ko bago ko maisara ang pinto.
Tatawa-tawa naman akong naglakad paalis sa office niya.

YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.