Sumunod ako kay ate na pumasok sa office niya.
"Sit down, I'll treat your wound." Mabilis akong umupo habang siya naman ay kinukuha ang first aid kit.
Hindi rin nagtagal ay umupo siya sa tabi ko at sinimulang gamutin ang sugat sa kamay ko.
Sa sobrang kapal nang mukha ni Carlo kaya nagkasugat ang kamao ko.
"Next time, don't do that again." Mahinahon niyang sabi.
"Hindi ko na ulit gagawin 'yon basta huwag ka lang niya sisigawan at sasaktan, dahil hindi talaga ako magdadalawang isip na pasabugin ang bungo niya." Seryosong sabi ko.
"Tsk, you're so stubborn, just listen to me." Nauubusan nang pasensya na sabi niya.
Psh, ang bilis uminit nang ulo niya.
"Pero-" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya.
"No buts." Napanguso na lang ako sa sinabi niya at tumango.
Tinapik niya nang mahina ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"I've finished treating your wound, go inside now so you won't be late for your class." Niligpit niya lahat ng ginamit tsaka siya tuluyang tumayo.
Tumayo na rin ako habang si ate naman ay dumiretso sa swivel chair niya.
Lumapit ako sa kanya bago nagpaalam.
"Thank you ate, alis na ako." Tumango lang siya sa sinabi ko habang may ginagawa sa kanyang laptop.
Tumalikod na ako at nagsimulang humakbang.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig kong nagsalita si ate kaya napalingon ako.
"Jam."
"Po?" Curious kong tanong.
Bumuntong hininga siya bago ulit nagsalita.
"Thank you." Sincere niyang sabi habang diretso ang tingin sa akin.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi.
"You're welcome." Nakangiti kong sabi.
Mas lalo pa akong ngumiti nang makita ko ulit ang kanyang ngiti.
After 10 years, nakita ko ulit ang maganda niyang ngiti.
Mabilis na akong nagpaalam sa kanya bago ako tuluyang lumabas.
Yumuko ako bago ko pinunasan ang luhang tumulo sa aking mga mata, hindi ko namalayan na may luha na pa lang pumatak.
Bumuntong hininga ako bago nagpatuloy sa paglalakad.
Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman ko na naman ang pagtulo nang mga luha sa aking mga mata, tangina naman.
Alam kong tears of joy lang 'to dahil sa ngiti ni ate pero dahil sa nararamdaman kong kirot sa aking puso at sa mga alaala na unti-unti na namang bumabalik kaya mas lalo akong naiiyak.
Nakayuko lang ako habang umiiyak, naiinis kong pinunasan ang mga luha ko pero lintek naman dahil patuloy pa rin sila sa pagbagsak.
Naalala ko na naman tuloy ang best friend ni ate at ang babaeng una kong minahal.
Blaire Muller, ang nakakatandang kapatid ni Blue.
May ate rin si Blue pero dalawa lang silang magkapatid habang sa aming magkakaibigan ay si Green lang ang only child.
8 years old lang ako ng mahalin ko siya habang siya naman ay 11 years old.
Noong nag-10 years old ako at 13 years old naman siya ay gusto ko nang sabihin sa kanya na mahal ko rin siya pero hindi 'yon nangyari dahil noong araw na aamin na ako sa kanya ay doon naman siya nawala.
Pinatay siya at ginahasa, hanggang ngayon ay hindi pa rin nalalaman kung sino ang taong gumawa sa kanya nun.
Sinarado na lang ang kaso niya dahil hindi malaman kung sino ba ang pumatay sa kanya, parang isang malaking tao ang nasa likod nito kaya hindi malaman nang mga pulis kung sino ba ang salarin.
10 years na siyang wala, at 10 years na rin akong hindi nagce-celebrate ng birthday.
Paano ako magce-celebrate kung 'yon din ang araw na nawala siya.
Kaya imbes na mag-celebrate pumupunta na lang ako sa sementeryo para kausapin siya at makasama.
Kahit 10 years na ang nakalipas ay hindi ko pa rin matanggap, hindi ko man lang nasabi sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.
"Here, wipe your tears." Automatic na huminto sa pagtulo ang mga luha ko ng marinig ko ang malamig na boses ni Professor Volland.
Tiningnan ko ang kaniyang panyo na nakalahad sa aking harapan.
Mabilis ko naman itong tinanggap bago ko pinunasan ang luha sa mga mata ko.
Tuluyan akong nag-angat nang tingin at sumalubong sa akin ang malalamig niyang tingin.
"Ah, sorry po. Lalabhan ko na lang itong panyo mo bago ko po ibabalik." Nahihiya kong sabi.
Tinitigan niya muna ako bago ako tinaasan ng kilay.
"No, keep it." Magsasalita pa sana ako ng bigla na lang siyang pumasok sa pintong nasa harapan ko.
Nagtataka ko namang tiningnan ang pintong pinasukan niya.
Doon ko lang napansin na office niya pala 'yon.
Tangina? Minsan na nga lang mag-drama sa harap pa talaga ng office ng crushiecakes ko.
Gago, nakakahiya.
![](https://img.wattpad.com/cover/379811189-288-k714439.jpg)
YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.