"Bwesit, ang sakit nang ulo ko." Rinig kong reklamo ni Zera.
Nandito kami ngayong lima sa cafeteria, hindi pa kami kumakain dahil inuna pa namin ni Zera ang mag-drama.
Nakayuko lang ako sa lamesa habang nakapikit.
Tangina naman kasi, sumakit ang ulo ko sa sobrang hirap ng quiz.
Ibang klase pala siya magalit, parang ayaw ko na tuloy ulitin dahil baka mas lalo lang sumakit ang ulo ko.
Nahinto ako sa pagiisip nang marinig ko ang boses ni Ame.
"Ah, can you speak in english?" She said.
"Sorry, I said my head hurts." Kapag si Ame talaga ang kausap namin napapasabak kami mag-english, nagaaral pa lang kasi siya ng tagalog kaya hindi pa siya nakakaintindi at nakakapagsalita nang tagalog.
Si Professor Volland nga hindi ko pa naririnig mag-tagalog pero nakakaintindi siya, curious tuloy ako kung paano siya mag-tagalog.
"Why? What happened?" Nagaalalang tanong ni Ame.
"Professor Volland gave us a quiz with 100 items, and the questions she gave were extremely difficult." Alam kong nakasimangot siya habang sinasabi ang mga katagang 'yon.
"No wonder you're both seeming weak." Natatawang sabi ni Blue.
"Let's just eat, wait, I'll order our food." Green said.
Naramdaman ko ang pagtayo niya.
"Samahan na kita." Rinig kong sabi ni Blue.
Nagpaalam sila na o-order muna bago tuluyang umalis.
Nakikinig lang ako sa usapan nina Zera at Ame habang nakayuko pa rin.
After waiting for five minutes, our food finally arrived.
"Kumain ka muna, mamaya na 'yan." Natatawang sabi ni Green habang tinatapik ang aking balikat.
Nakasimangot naman akong nag-angat nang tingin.
Pare-pareho silang apat na natawa dahil na naman sa nakasimangot ako.
"Huwag ka ng sumimangot, ikain na lang natin 'yan." Natatawa rin na sabi ni Blue bago nagsimulang kumain.
Agad din naman nagsimulang kumain ang tatlo habang ako naman ay umayos muna nang upo bago kumain.
Tahimik lang kaming lima na kumakain ng may bigla kaming narinig sa kabilang table na lagabog.
Sabay-sabay kaming lumingon sa pinanggalingan nang ingay.
Nabitawan ko ang hawak kong kutsara at tinidor nang makita ko sina ate na ginugulo ng isang lalaki, habang 'yong apat niyang kasama ay nakatayo lang sa kanyang likod.
Unti-unting nagsalubong ang aking kilay nang makilala ko ang lalaki, siya 'yong ex ni ate na hanggang ngayon ay kinukulit pa rin siya.
Carlo Reyes, isang sikat na businessman, siya ang cheater na ex ng ate ko tapos ng malaman ni ate nakipaghiwalay siya pero ito naman ang humahabol. 'Yong apat naman na kasama niya ay mga bodyguards niya.
"Sino ang gagong 'yon?" Kunot noong tanong ni Green.
Hindi ko siya sinagot at tumayo lang ako.
"Dito lang kayo." Hindi ko na sila hinintay na sumagot dahil dali-dali na akong umalis.
"Babe, kausapin mo naman ako." Rinig kong pagmamakaawa niya.
"There's nothing left for us to discuss, Carlo. We've been over for two years, so it's time for you to move on." Naiinis na sabi ni ate.
"Pero-" Hindi niya na natuloy ang kanyang sasabihin nang bigla akong sumabat.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Professor Armstrong? Wala na kayong dapat pagusapan kaya kung maaari umalis ka na." Sabay-sabay silang napalingon sa akin pero ang tingin ko ay diretso lang sa gunggong na si Carlo.
"Jam." Nagbabantang tawag ni ate sa akin pero hindi ko siya pinansin o nilingon man lang.
Lahat nang tingin nang mga tao sa cafeteria ay nasa amin na, naririnig ko na rin ang bulungan ng ibang mga student.
"Hindi ikaw ang kausap ko bata kaya huwag kang makisali." Galit niyang sabi habang nakaduro ang daliri niya sa akin.
"Don't you dare point your fucking finger to her." Wala na, galit na ang dragon kong ate.
Tuluyan siyang humarap kay ate habang nakaturo pa rin ang daliri niya sa akin.
"Ito ba ang ipinalit mo sa akin? Ipagpapalit mo na lang ako sa babae pa?!!" Tangina nito, ang lakas nang loob sigawan ang ate ko.
Sa sobrang inis ko ay hinila ko ang kanyang daliri tsaka ko siya malakas na sinapak.
Sa sobrang lakas nang pagkakasapak ko sa kanya ay sumalampak pa siya sa semento.
"Boss." Sabay-sabay na sabi nang mga panget niyang bodyguards.
Lalapit na sana ang mga ito ng itaas niya ang kanyang isang kamay para pigilan sila sa paglapit.
Ramdam ko ang gulat nang lahat nang sapakin ko ang gagong 'to.
"Tangina, 'yon lang ba ang kaya mo?" Nakangisi niyang tanong habang nakatingala sa akin.
"Siyempre hindi, kayang-kaya ko rin nga basagin ang bungo mo." Walang emosyon kong sagot.
Unti-unting nawala ang ngisi sa kanyang labi, masama niya na lang akong tiningnan.
"Fuck you, huwag na huwag mo nang sisigawan ulit ang ate ko dahil sinisigurado ko sa'yo hindi lang 'yan ang aabutin mo." Gigil na gigil kong sabi sa kanya habang masama na ang tingin ko sa kanya.
"A-ate? K-kapatid m-mo 'to?" Gulat na gulat niyang tanong kay ate.
Tiningnan lang siya ni ate at hindi sinagot.
"Let's go." Mabilis akong hinila ni ate palabas nang cafeteria.
Binitawan niya rin ako agad paglabas namin, nauuna siyang maglakad habang ako naman ay nakasunod lang sa kanya.

YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.