Kinabukasan, maaga akong nagising.
Kinuha ko ang phone ko sa bedside table at chineck ang oras, it's already 6:15 in the morning.
Itinabi ko muna ang phone ko tsaka ako nakangiting bumangon at nag-unat.
Dumiretso ako agad sa banyo at naligo.
After a 10-minute shower, I'm done.
After kong maligo agad akong dumiretso at pumasok sa walk-in closet ko.
Hinubad ko ang suot kong roba tsaka ko sinuot ang polo at pants ko.
Yumuko ako para isuot naman ang white shoes ko.
I opened my mini cabinet, chose a watch and necklace to wear, selected a fragrance, and sprayed it on my body.
Once I was ready, I immediately left my walk-in closet, grabbed my phone and bag. Then, before heading out of the room.
"Good morning everyone." Nakangiti kong bati sa pamilya ko habang papasok nang kusina.
"Good morning, take a seat and eat." Malambing na sabi ni mommy habang si momma naman ay tumango lang sa akin habang nakangiti. Samantala, ang dalawa ko namang kapatid ay tumango lang din sa akin bago nagpatuloy sa pagkain.
Tumango lang ako kay mommy bago ako lumapit sa kanya, kay momma, ate Cel and Venine. Humalik lang ako sa mga pisngi nila bago ako tuluyang umupo.
"Parang ang blooming mo ngayon, may nagugustuhan ka na ba?" Nang-aasar na tanong ni momma.
Ramdam ko ang paginit nang magkabila kong pisngi dahil sa sinabi ni momma.
"H-huh? W-wala." Umiiling na sagot ko.
"Kaya pala halos magkamatis na ang mukha mo sa sobrang pula." Natatawang pang-aasar ni momma.
Mas lalo pa akong namula dahil sa sinabi niya.
"Who's the one you like?" Taas kilay na tanong ni mommy.
Sasagot pa lang sana ako na wala akong nagugustuhan nang maunahan ako ng kapatid kong si Venine.
"One of ate Cel's friends." Ngumunguyang sagot niya.
"Who?" Masungit na tanong naman ni ate.
"Hind-" Naputol ang sasabihin ko ng sumabat na naman ang bunso kong kapatid.
"It's ate Avianna."
"Avianna Volland? The daughter of Vincent and Anna?" Nagtatakang tanong ni momma.
"Kilala niyo siya?" Curious na tanong ko.
"Yes, because her parents are our business partners." Tumango lang si momma sa sinabi ni mommy.
"So, you like her?" Napatingin ako kay ate ng magsalita siya.
"No-" Sa pangalawang pagkakataon naputol na naman ang sasabihin ko.
Nakasimangot kong nilingon si Venine ng sumagot na naman siya.
"Yes, she likes her."
"How did you know?" Curious na tanong ni ate.
"I was waking her up earlier and her phone was open, then I saw ate Via's account and all her posts were liked by ate Jam." She said.
"So, you stalked her?" Nakataas ang kilay na tanong nang masungit kong ate.
"Oo, pero hindi ko nga kasi siya gusto, crush ko lang siya." Halos mangiyak-ngiyak kong sabi.
"Anak, huwag mo ng i-deny." Nakangising sabi ni momma.
"Hindi nga po kasi, mommy oh." Sumbong ko kay mommy.
Agad naman siyang sinamaan ni mommy ng tingin.
Natawa ako ng bigla na lang naging maamong tupa si momma.
Napalingon ako kay ate ng bigla siyang nagsalita.
"While it's still early, suppress your feelings for her because you'll only get hurt in the end. I've finished eating, I'm leaving now." Naguguluhan ko siyang sinundan nang tingin hanggang sa makaalis siya.
Anong sinasabi ni ate na masasaktan lang ako sa huli?
Tsk, natural lang naman masaktan kapag nagmamahal.
YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.
