Nakatulala lang ako habang nakatitig sa bago naming professor.
Halos wala na akong naintindihan sa mga sinasabi niya dahil busy ako ka-tititig sa kanya.
"That's all for today, class dismissed." Mabilis niyang kinuha ang mga gamit niya tsaka siya mabilis na umalis sa room namin.
Napasimangot ako nang hindi man lang siya lumingon.
"Hoy, okay ka lang ba?" Nagtatakang tanong ni Zera.
Nakanguso ko siyang nilingon habang tumatango.
Nanghihina akong tumayo at kinuha ang bag ko.
Napalingon ako kay Zera ng kalabitin niya ako.
"Sigurado ka bang okay ka lang? Para ka kasing hindi okay." Kunot noong sabi niya habang kinakapa ang noo't leeg ko.
Nginitian ko siya at hinawakan ang kamay niya habang dahan-dahan itong binababa.
"Okay lang ako." Tsaka ko binitawan ang kamay niya.
Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo kaya tinaasan ko siya nang kilay habang nakangiti.
Inirapan niya lang ako tsaka siya huminga nang malalim.
"Btw, saan ka tatambay? Vacant natin nang ilang oras, after lunch pa ulit ang klase natin." Zera said.
I checked the time on my watch, it's already 9:30 in the morning.
Tiningnan ko siya at nginitian.
"Uuwi muna siguro ako, 1:30 pa naman ulit pasok natin." Tumango naman agad siya sa sinabi ko.
"Ako rin uuwi muna, tara sabay na tayo papunta sa parking lot." Bago pa man ako makasagot mabilis niya na akong nahila palabas nang room namin.
Pagkalabas na pagkalabas namin sa room namin agad kaming pinagtinginan, halos lahat kinikilig sa aming dalawa ni Zera lalo na't nakakapit siya sa braso ko.
Madalas kaming pagkamalan ni Zera na may relasyon lalo na't close talaga kaming dalawa.
But Zera and I are just friends, ganito lang talaga kami ka-close.
Zera Martinez is also the daughter of a multi-billionaire.
Kilala rin siya nina Blue at Green dahil bukod sa anak siya ng isa sa multi-billionaire ay tinuturing na rin siyang kaibigan nang dalawa.

YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.