Nagising ako dahil sa maingay na tunog na nanggagaling sa phone ko.
Nakapikit kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa nang pants ko tsaka ko sinagot ang tawag.
"Hmmmm?" Halata ang antok sa boses ko.
"Jam? Did I disturb your sleep?" Napamulat ako nang marinig ko ang boses ni Zera.
"Ze? Napatawag ka?" Narinig ko ang mahina niyang tawa sa kabilang linya.
"Hindi ka ba papasok? It's already 12:40." Agad akong napabangon nang marinig ko ang sinabi niya.
"Shit, oo nga pala. Mag-aasikaso lang ako." Natataranta kong sabi.
"Sige, hintayin na lang kita rito sa parking lot." Sabi niya.
"Okay." Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil pinatay ko na agad ang tawag.
Dali-dali akong tumayo at pumasok sa banyo para mag-hilamos.
Pagkatapos kong mag-asikaso mabilis na akong lumabas nang kwarto ko.
Pababa na sana ako sa hagdan nang may humawak sa kamay ko.
"Ate." Nilingon ko ang kapatid kong si Venine.
Venine Montenegro Armstrong, ang bunso naming kapatid ni ate Celeste.
Tatlo kaming mag-kapatid, panganay si ate Cel, sumunod naman ako at bunso si Nine.
"Yes baby?" Ngumiti ako sa kanya tsaka ako lumuhod sa harap niya para pantayan siya.
Walang emosyon ang mga mata niya at sobrang lamig.
Para talaga siyang si mommy at ate Cel parehong masusungit.
She's turning 5 years old next month pero matured na siya kung mag-salita at mag-isip.
"You will go to your school?" Malamig niyang tanong.
"Yes po." Tumango naman siya agad sa sinabi ko.
"Okay, take care." She kissed my cheek.
"I will, baby." I kissed her forehead.
Tumango lang siya tsaka siya umalis at pumasok sa kwarto niya.
Tumayo na ako tsaka ako bumaba sa hagdan.
Paglabas ko nang mansion dumiretso ako agad sa kotse ko.
Mabilis ko itong binuksan tsaka ako sumakay at nag-drive paalis.
After 10 minutes of driving, nakarating na rin ako sa University.
Mabilis akong nag-park tsaka ako bumaba.
"Tagal mo ha." Salubong agad sa akin ni Zera.
"Sorry naman." Inakbayan ko lang siya tsaka kami nagsimulang maglakad.
Pagdating namin sa room agad kaming umupo sa upuan namin.
Nag-uusap lang kaming dalawa habang 'yung iba naming mga kaklase ay may kanya-kanyang mundo.
Nahinto lang kami ng dumating na ang professor namin.
Lahat kami namangha dahil maganda rin ang bago naming professor pero mas maganda pa rin talaga si Professor Volland.
Halatang masungit din siya dahil sa malalamig niyang tingin.
"Good afternoon, I want you to all introduce yourself, start with you." Walang emosyon niyang sabi habang nakatingin sa kaklase namin na si Marco.
Pagkatapos nang ilang minuto tapos na kaming lahat sa pag-introduce.
Tumalikod si prof tsaka niya sinulat ang pangalan niya.
Elyse Fuentes.
Wow, maganda rin pala ang pangalan ni ma'am.
Humarap siya sa amin tsaka siya nagsalita.
"I am Professor Elyse Fuentes and I will be your professor for this subject. And oh call me Professor Fuentes, understand?" Taas kilay niyang sabi.
"Yes Professor Fuentes." Sabay-sabay naming sabi.
Tumango naman siya tsaka niya sinimulan ang klase sa kanya.
Lumipas ang ilang oras na puro pakikinig at pagsusulat lang ang ginagawa namin.
Nag-unat muna ako habang naghihintay sa last na klase namin.
Pagkatapos nang ilang minutong paghihintay sa wakas dumating na rin ang professor namin.
Lahat kami umayos nang upo at tumahimik.
Dahan-dahan pumasok ang aming professor.
Napakurap-kurap ako sa nakita ko.
What the fuck? Anong ginagawa ni ate rito?
Don't tell me na siya ang magiging professor namin? No way!!!

YOU ARE READING
Tears Of Pain
Storie d'amoreWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.