It's been two weeks since our conversation at Avi's condo, and since then, I've been avoiding her. When she teaches, I don't look at her; I've found ways to distance myself. I've been avoiding her for two weeks now.
Nandito ako ngayon sa hallway naglalakad papunta sa cafeteria dahil katatapos lang ng klase namin.
Saktong pagliko ko ay nakita ko naman ang taong iniiwasan ko.
Kung minamalas ka nga naman oh, kainis naman.
Mabilis akong umiwas nang tingin ng bigla siyang tumingin sa akin.
Liliko na sana ako sa kanan para umiwas sa kaniya pero tinawag niya naman ako.
"Hell." Huminto ako sa paglalakad pero hindi ko siya nilingon.
Ramdam ko na huminto siya banda sa likod ko, feeling ko isang metro na lang ang layo namin sa isa't-isa.
"May kailangan ka po ba Professor Volland?" May diin na tanong ko.
"Face me before we talk." Kumunot ang noo ko hindi dahil sa sinabi niya kundi sa sobrang mahinahon niyang pagkakasabi.
Huminga muna ako nang malalim bago humarap sa kanya.
Halos manghina ako dahil ang ganda niya.
Shit, hindi dapat ako magpadala sa ganda niya baka masaktan na naman ako.
"Ah, may sasabihin ka po ba ma'am?" Iwas tingin na tanong ko.
Magsasalita na sana siya nang may sumingit.
"Pogi." Tawag ng isang familiar na boses.
Lumingon ako kay Avi at nakita ko siya na nakatingin sa likod ko habang salubong ang kilay.
Dahil na curious ako ay dahan-dahan naman akong lumingon sa likod ko.
What the fuck? Anong ginagawa nito sa University namin?
Siya 'yong babae na humalik sa akin sa bar dalawang linggo na ang nakakalipas.
She's wearing a floral dress and heels that suit her perfectly, with a shoulder bag casually slung over her shoulder.
Nakangiti siya habang papalapit sa pwesto namin ni Avi.
Sino nga ulit 'to? Sabby ba? Sammy? Ay ewan, basta S 'yung first letter nang name niya.
"Hi." Masayang bati niya sa akin nang makalapit na siya.
Kunot noo ko naman siyang tiningnan dahil nagtataka pa rin ako kung anong ginagawa niya rito.
"Samantha, I thought you were going home?" Napalingon kaming dalawa kay Avi dahil sa masungit niyang boses.
Gago, Samantha pala pangalan nito.

YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.