Chapter 24

1.5K 48 1
                                        

"Oh gago, tulala ka na naman." Inis kong nilingon si Blue nang batukan niya ako.









"Pumunta ka lang ata rito para tumulala na lang buong gabi." Nakangiwing sabi naman ni Green habang umiinom nang wine sa baso niya.









Nandito kasi kami ngayong tatlo sa bar, inaya ko kasi silang dalawa dahil gusto ko sanang maglasing pero naalala ko na high tolerance nga pala ako.









Dalawang linggo na ang nakakalipas nang may nangyari sa amin ni Avi, dalawang linggo niya na rin akong iniiwasan.









Sa tuwing sinusubukan ko na lumapit at kausapin siya, agad-agad naman siyang umiiwas at lumilihis nang daan.









Sa dalawang linggo rin na lumipas ay palagi niya ng kasama 'yong lalaki na pinsan pala ni Zera.









Kenneth Martinez, isang sikat na businessman at model.









Kanina ko lang nalaman na magpinsan pala sila ni Zera, at ang mas malala pa eh fiancee pala siya ni Avi.









"Anong naramdaman mo kanina nang sinabi ni Zera na ang pinsan niya at si Professor Volland ay mag-fiance?" Taas kilay na tanong ni Blue.









Bumuntong hininga muna ako bago ko siya sinagot.









"Siyempre nasaktan ako tapos parang gusto kong sapakin 'yong Kenneth na 'yon, noong una pogi pa siya sa paningin ko pero ngayong nalaman ko na fiance siya ni Avi? Ang panget niya na." Naiinis kong sagot bago uminom nang wine sa baso ko.









Pareho lang silang natawa dahil sa sinabi ko.









"Ngayon, aminado ka na ba sa sarili mo na mahal mo na talaga siya?" Nakangising tanong ni Green.









Binaba ko muna ang baso ko bago ako nagsalita.









"Naiinis lang ako dahil hindi niya ako pinapansin pero samantalang 'yong Kenneth na 'yon pinapansin niya naman, kulang na lang ngumiti siya at tumawa habang kinakausap niya 'yon." Naiinis kong sabi habang inaalala 'yung pag-uusap nilang dalawa kanina.









"Kaya pala, huwag mo naman ipahalata na nagseselos ka." Nang-aasar na sabi ni Blue tsaka sila sabay na natawa ni Green.









Inis ko naman silang binato nang tissue pero mas lalo lang silang tumawa.








______________________________________









Huminga muna ako nang malalim tsaka ako nagsimulang mag-drive.









It's already 11:30 in the evening, katatapos lang namin mag-party at nauna na nga ang dalawa na umalis sa akin dahil tumatawag na ang mga parents nila.









Ang dalawa kasing gago, hindi pala nagpaalam kaya lagot talaga sila.









Huminto ako sa pagmamaneho nang makarating ako sa harap nang Mausoleum ni Blaire.









Bumaba ako nang kotse ko tsaka ako pumasok sa loob.









Binuksan ko ang ilaw nang makapasok ako at umupo sa semento sa harap nang puntod niya.









"Hi, sorry wala akong dalang bulaklak at kandila para sa'yo. Biglaan din kasi ang pagpunta ko, tungkol pala sa kaso mo patuloy pa rin si kuya Steve sa paghahanap kung sino ba ang salarin." Nakangiti akong bumuntong hininga bago ulit nagpatuloy sa pagsasalita.










"Actually, kaya talaga ako nandito dahil naguguluhan na ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya mahal pero iba naman ang sinasabi nang puso ko, tulungan mo naman ako Blaire." Umiiyak na kwento ko.










"Gulong-gulo na ako sa nararamdaman ko, hindi ko na kaya kasi sobrang sakit na."










Sa sobrang pag-iyak ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa sahig.










Nagtataka kong inilibot ang tingin ko, wala akong ibang makita kundi isang garden at isang babae na nakaupo sa bench.








Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto nang babae, halos mapaluhod ako nang lumingon ito sa akin.










"B-blaire." Nanghihina kong tawag sa pangalan niya.










"Jam." Malumanay niyang banggit sa pangalan ko.










Sobrang ganda niya at bagay talaga sa kanya ang maganda niyang ngiti.










Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit sa akin, hinawakan niya ang magkabila kong pisngi habang hinahaplos.










"Alam kong hindi mo na ako mahal, tanggap ko naman na 'yon pero huwag mo naman ipagkait sa sarili mo lalo na sa puso mo ang magmahal."










"Blaire." Ngumiti lang siya sa akin tsaka niya inilagay ang isa niyang palad banda sa puso ko habang ang isa niyang kamay ay patuloy pa rin sa paghaplos sa pisngi ko.










"Mahal mo na siya, sadyang hindi mo lang talaga maamin sa sarili mo dahil nakakulong ka pa rin sa nakaraan. Halos sampung taon na akong wala kaya sana bitawan mo na ang pinangako mo sa akin na ako lang ang iibigin mo, hayaan mo na ako lalo na ang sarili mo na magmahal." Nataranta ako ng unti-unti siyang umatras habang nakatingin pa rin sa akin.










"Blaire." Umiiyak kong tawag sa pangalan niya.










Nakangiti lang siyang umiling habang patuloy sa pagbagsak ang luha sa mga mata niya.










"Kapag nakuha mo na ang hustisya para sa akin gusto ko sarili mo naman ang isipin mo, hanggang sa muli mahal ko." Nakangiti lang siyang kumaway sa akin hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

Tears Of PainWhere stories live. Discover now