Hinihingal akong bumangon habang pinupunasan ang pawis ko sa noo.
Mabilis kong nilingon ang magandang larawan ni Blaire.
"Blaire." Umiiyak kong banggit sa pangalan niya.
Inangat ko ang aking kamay para haplosin ang kanyang larawan.
"Pangako, susundin ko ang sinabi mo." Lumapit ako para dampian nang magaan na halik ang larawan niya.
Umupo ako at kinuha ang phone ko sa bulsa nang tumunog ito.
Tiningnan ko muna kung sino ang tumatawag tsaka ko ito sinagot.
"Ate-" Hindi na natuloy ang sasabihin ko nang putulin ito ng magaling kong ate.
"Where are you? You didn't come home last night, and you know it's Venine's birthday today, but you're still not here." Naiinis niyang sabi.
Fuck, bakit ko nga ba nakalimutan na birthday nga pala ngayon ng kapatid ko.
"Anong oras na po ba ngayon?" Nahihiya kong tanong.
"It's already 5:30 PM now, and the birthday party starts at 7:30 PM. Come home now because you only have an hour and a half left."
What the fuck? 5:30 na? Damn it.
"Sige ate, pauwi na ako." Nagmamadali kong sabi.
"Okay, take care." Hindi niya na ako hinintay na sumagot at pinatay niya na ang tawag.
"Aalis muna ako Blaire, babalik din ako." Paalam ko sa kanya tsaka ako tuluyang umalis.
______________________________________
Exactly 6:00 ay dumating na ako sa mansion.
Pagpasok ko sa loob nang mansion ay halos lahat ay busy sa pag-aayos, malapit na rin naman nilang matapos kaya minamadali na nila dahil mamaya ay darating na ang mga bisita.
"Good thing you're here now. Go to your room and get ready. You'll be escorting Venine later." Masungit na sabi nang ate ko.
"Okay, but is it alright if I cut my hair?"
"It's up to you, do as you please, just get ready because guests are arriving at 7:00 PM." Agad naman akong tumango at nagpaalam.
"Sige, punta na ako sa kwarto ko para mag-asikaso." Tinanguan niya lang ako.
Lumapit naman ako sa kanya at humalik sa pisngi niya tsaka ako dumiretso sa kwarto ko.
Pagdating ko sa kwarto ay pumasok ako agad sa banyo.
Hinubad ko lahat nang suot ko at kinuha ang razor at gunting habang nakaharap sa salamin.
Sinimulan ko na ang paggupit sa buhok ko.
Hindi nga nagtagal ay natapos na rin ako.
YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.
