Nakatulala lang ako habang nakatanaw sa labas ng coffee shop.
It's been a month simula nang mangyari ang tagpo na 'yon sa bar.
Until now, iniisip ko pa rin 'yung babae na nakakuha nang first kiss ko.
Actually, palagi naman talaga siya pumapasok sa isipan ko halos hindi na nga siya nawala.
Sinubukan ko ulit bumalik sa bar kinabukasan dahil umaasa ako na baka sakaling makita ko siya ulit pero hindi ko na nga siya ulit nakita.
I take a deep breath, then sip my coffee.
"Hey, are you okay?" Nilingon ko si Berde nang magsalita siya.
"Oo nga, ayos ka lang ba Jam?" Nag-aalalang tanong naman ni Asul.
Ngumiti ako sabay sabing. "Oo naman."
"Are you sure?" Green said.
"Of course." Tsaka ko siya kinindatan.
"Wait, ano bang nangyari last month sa bar? Simula kasi ng bumalik ka sa table natin tulala ka na." Blue said, her eyes sparkle with curiosity.
"Balak ka rin sana namin tanungin doon nakaraan pero nakakalimutan lang namin, so ano na? Tell us." Kunot noong sabi ni Berde.
Humugot ako nang malalim na hininga tsaka ko binaba ang kapeng iniinom ko.
"Naalala niyo naman siguro na nagsabi ako na pupunta ako sa cr 'di ba?" I said.
"Oo, ako pa nga nagtanong sa'yo kung saan ka pupunta." Green said.
"'Yon nga pagdating ko kasi sa cr saktong bubuksan ko na ang pinto nang may nagbukas din nun, tapos 'yong babae nawalan ng balanse kaya inalalayan ko pero ng dahil sa sobrang hilo ko kaya natumba kami pareho kaya ano...." Napayuko ako tsaka ako humawak sa batok ko dahil hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang kwento o hindi na dahil nahihiya na ako.
"Ano?" Sabay nilang tanong.
Dahan-dahan akong nag-angat nang tingin.
"Ano, nag-kiss kami." Kagat labing sagot ko.
"Kiss lang pala eh." Balewalang sabi ni Asul.
"Oo nga, akala ko kung ano na." Napapailing na sabi naman ni Berde habang umiinom sa kape niya.
Nagtataka ko naman silang pinagmamasdan.
"WAIT, KISS??????" Napatayo pa si Asul sa gulat habang tinatanong niya 'yon.
"GAGO, KISS?????" Nanlaki naman ang mga mata ni Berde dahil din sa gulat habang nagpupunas nang tissue sa kamay niya dahil natapon ang kape niya.
"Mga gago, kumalma nga kayo at ikaw umupo ka nga." Mabilis kong hinila paupo si Asul dahil nakatayo pa rin siya.

YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.