"Good afternoon, I'm Professor Celeste Montenegro Armstrong, but please call me Professor Armstrong." Walang emosyon niyang sabi.
Ramdam ko ang mga tingin nang mga kaklase ko sa akin dahil alam nilang ate ko ang bagong professor namin.
"Get an index card, write your names on it, and give it to your class president. I won't keep you any longer since we have a meeting." Mahinahon niyang sabi.
After giving us instructions, she immediately left.
"Dude, our three new professors are really beautiful." Parang tangang sabi ni Ricky.
"Oo nga pre, siguradong mas gaganahan na ako nitong pumasok." Kinikilig na sabi naman ni Marco.
"Omg, ate ba 'yon ni Jam?" Gulat na tanong ni Karla.
"Oo 'te, ang ganda 'no." Danica said.
Hinayaan ko na lang sila at hindi pinansin.
Kumuha ako nang index card at ballpen sa bag ko tsaka ko sinimulang isulat ang aking pangalan.
Hell Jam Montenegro Armstrong.
Pagkatapos kong isulat ang name ko ay mabilis kong inabot kay Ze ang index card ko dahil siya ang class president namin.
Tinanggap naman niya agad ito habang nagtatanong.
"Nakauwi na rin pala ang ate mo?Akala ko nasa America pa rin sila 'yon pala nakauwi na." Curious niyang tanong.
I glanced at her and then shrugged.
"Hindi ko nga alam na nakauwi na pala siya dahil hindi naman niya ako sinabihan." Nakanguso kong sabi.
She laughed and was about to speak when I spoke again.
"Wait, sila? What do you mean sila? As far as I know, only ate is in America." Nagtataka kong tanong sa kanya.
Sa America nag-aral ang ate ko kaya doon din siya nag-graduate pero hindi ko alam na may kasama pala siya dahil hindi naman niya 'yon na kwento sa akin.
Nabalik ako sa ulirat nang magsalita si Zera.
"Sa pagkakaalam ko tatlo silang nasa America." Unti-unting kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Tatlo?" Agad naman siyang tumango.
"Oo, kasama niya sina Professor Volland at Professor Fuentes." Nakangiting sagot niya.
"Paano mo 'yan nalaman?" Salubong ang kilay na tanong ko sa kanya.
"Nakikita ko sila na magkakasama kapag nag-vi-video call si kuya Ken kay ate Vin-" Naputol ang sinasabi niya nang mag-vibrate ang phone niya.
Mabilis niyang kinuha ang phone niya sa bag niya at binuksan.
"Shit, tapos na ba kayo sa index card niyo?" Nakatayong tanong niya.
"Oo pres, ito oh." Kanya-kanyang abot ang mga kaklase ko ng index card sa kanya.
Ako naman nakatitig lang sa phone niya habang salubong ang kilay dahil hindi ko naintindihan ang huling sinabi niya dahil sa letseng cellphone niya.
"Jam, mauuna na ako ha? Nasa labas na kasi ang driver ko tapos ihahatid ko pa itong mga index card sa office ni ma'am." I turned my gaze back to her when I heard her speaking.
"Oh? Okay, ingat." I said.
Tumango lang siya at tinapik ang balikat ko bago tuluyang umalis.
Bumuntong hininga ako bago ko kinuha ang libro ko sa bag tsaka ako tahimik na nagbasa.
Dito muna ako tatambay sa room habang naghihintay nang oras, may usapan kasi kami nila Blue at Green na magkita-kita mamaya.
Ilang minuto na ang lumipas ng mapansin kong hindi na masyadong maingay.
Lumingon ako at doon ko lang napansin ang mga kaklase ko na paalis na.
Pinanood ko lang sila at hinintay na makaalis ang iba bago ako tuluyang tumayo at lumabas ng room.
Mabilis kong sinarado ang pinto tsaka ito nilock.
Nakapamulsa akong naglalakad papunta sa parking lot habang tinatawagan si Green.
"Berde? Saan na kayo ni Asul? Malapit na ako sa parking lot." I said.
"Hindi mo ba nabasa text ko? I guess, hindi nga." Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Anong text?" Huminto ako sa paglalakad nang nasa tapat na ako ng kotse ko.
"Hindi na tayo matutuloy dahil si Asul sumakit ang tiyan tapos ako naman susunduin ko pa sa airport ang pinsan ko." Tumango ako sa sinabi niya kahit hindi niya nakikita.
"Sige, ingat." Mahinahon kong sabi.
"Ingat ka rin." Ibinulsa ko agad ang phone ko nang matapos ang tawag.
Hawak ko na ang pinto ng kotse ko dahil bubuksan ko na sana ng biglang may pisteng aso ang tumahol sa gilid ko.
Sa sobrang gulat ko ay napatalon pa ako kaya inis kong nilingon ang aso.
Para itong tanga na lumapit sa akin at dinilaan ang kamay ko.
What the fuck? Kamay ko pa talaga.

YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.