Chapter 41

1.6K 43 10
                                        

"Where are we?" Curious na tanong ni Avi habang nililibot ang tingin.








"Nandito tayo ngayon sa lugar na palagi kong pinupuntahan kapag naaalala kita noon." Nakangiti kong sagot habang nililibot din ang tingin.








Nandito kami ngayon sa isa kong paboritong puntahan, mula rito sa kinatatayuan namin ay kitang-kita ang siyudad nang Manila. Kita rin dito ang mga ilaw sa siyudad.








Pagkatapos nang klase ay dumiretso na kami agad dito, halos isang oras at kalahati din ang biyahe kaya 7:30 na kami nakarating.








"I love it here, it's so relaxing and beautiful." Puno nang paghanga na sabi niya habang ang tingin ay nasa siyudad.








Nakangiti akong lumingon sa kanya at kitang-kita ko kung paano kumislap ang kanyang mga mata sa sobrang paghanga.








"Yeah, sobrang ganda nga." Sang-ayon ko habang nakatitig nang diretso sa kanya.








Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sa akin, nakangiwi akong umiwas nang tingin dahil nahuli niya akong nakatitig sa kanya.








Tengene nemen beh.








Iniwasan kong tumingin o lumingon ulit sa kanya dahil alam kong namumula na naman ako.








Tahimik lang naming pinagmamasdan ang kagandahan nang siyudad habang pinapakalma ko ang sarili ko.








"Ah, kain na tayo." Aya ko sa kanya ng kumalma na ako.








Inalalayan ko siyang sumakay sa likod ng Ford Ranger ko bago ako sumunod na sumampa, buti na lang itong sasakyan ang dinala ko.








Nakaharap ang likod ng sasakyan ko sa siyudad kaya pareho rin kaming nakaharap habang nakasandal at kumakain.








Tahimik lang kaming kumakain habang ang naririnig lang namin na ingay ay ang huni nang mga ibon.








Pagkatapos naming kumain ay pareho namin nilinis ang kinainan namin at niligpit.








"Gusto mo bang humiga? Bukod sa sapin, nagdala rin ako nang mga unan at kumot."








"You really prepared for this, didn't you?" Taas kilay niyang tanong.








Tumawa lang ako at bumaba bago dumiretso sa backseat at kinuha ang mga unan at kumot na dala ko.








Pagkatapos kong kunin ay bumalik din ako agad sa kanya at binigay sa kanya ang mga unan at kumot.








Pag-upo ko ay sumandal agad siya sa balikat ko kaya lihim akong napangiti.








Pinatong ko rin ang ulo ko sa ulo niya habang nakatingin lang kami sa siyudad.








"Hell." Tawag niya sa pangalan ko.








"Hmm?"








"Do you really love me?" Mahina niyang tanong.








"Oo, sa sobrang pagmamahal ko sa'yo handa akong isugal lahat para sa'yo." Mahinahon kong sagot habang hinahaplos ang kamay niya.








"Even if it means hurting you?" Malumanay niyang tanong.








"Handa akong masaktan basta ikaw ang dahilan." Seryosong sagot ko sa kanya.









"I don't want to hurt you, but I know it's inevitable. Please don't be angry with me when the time comes that I've hurt you too much." Malungkot niyang sabi.









"Hindi ko naman kayang magalit sa'yo." Natatawa ko rin na sabi.









"Tsk, you really love me." Mas lalo akong natawa dahil sa sinabi niya.









"Totoo 'yan." Napailing-iling na lang siya dahil sa sinabi ko.









Natahimik na naman kami pareho pero walang awkwardness na mararamdaman.









Napalingon ako sa kanya ng maalala ko na may itatanong pala ako sa kanya.









"Oo nga pala, saan na pala 'yong pinsan mo?" Curious kong tanong sa kanya.










"Do you mean, Samantha?"









"Oo, saan na siya?"









"Why are you asking and looking for her? Do you miss her?" Masungit niyang tanong.









Inalis niya talaga ang pagkakapatong nang ulo niya sa balikat ko para lang tumingin sa akin at taasan ako nang kilay.









"Grabe ka naman, hindi ba pwedeng nagtataka lang ako kasi sabi niya nakaraan masanay na raw ako na makita siya sa University tapos biglang hindi naman na siya bumalik sa University." Natatawa kong kwento.









"Psh, Do you remember when Samantha and I went shopping together? The next day, she left." Mataray niyang kwento.









"Naaalala ko nga, bakit siya umalis? Saan siya pumunta?" Nagtataka kong tanong.









"I sent her back to America because I was annoyed with her, and I feared your attention would shift to her and you'd forget me." Umiirap na sagot niya.









"Huh?" Kunot noo kong tanong dahil hindi ko narinig ang huling sinabi niya.









"Nothing, I'm sleepy now." Humihikab na sabi niya.









"Sige na, matulog ka na babantayan kita." Nakangiting sabi ko sa kanya at inalalayan siyang humiga.









"How about you? Don't you sleep?" Taas kilay niyang tanong.









"Mamaya, mauna ka na." Humiga rin ako sa tabi niya, agad naman siyang lumapit at ginawang unan ang braso ko bago yumakap sa akin.









"Goodnight, Hell." Inaantok niyang sabi.









Tumango lang ako bago siya dinampian nang halik sa noo.









Nakaharap kami pareho sa isa't-isa habang magkayakap.









Pinagmamasdan ko lang siyang matulog hanggang sa inantok na rin ako.









Dito kami matutulog sa likod ng kotse ko, safe naman dito kaya walang problema.









"Goodnight, I love you, baby." Dinampian ko lang siya nang halik sa labi bago ko pinikit ang aking mga mata.









On a dark and cold night, we slept snuggled up in the back of my car, with the stars, city, and moon witnessing how I told her the three magic words.

Tears Of PainWhere stories live. Discover now