Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa phone ko.
Naiinis kong kinuha ang phone ko sa bedside table bago ito sinagot habang nakapikit.
"Ano?!" Inis na bungad ko sa taong tumawag sa akin, hindi ko na tiningnan kung sino dahil sa sobrang inis ko.
"Good morning, too." Sarkastikong sabi ng familiar na boses sa kabilang linya.
"Avi? I-ikaw ba 'to?" Kinakabahan kong tanong bago bumangon at nagmulat nang mata.
"What do you think?" Masungit na tanong niya.
"Shit, sorry." Nahihiya kong sabi.
"Tsk, get up now, I'm already at the University, waiting for you at my office." She said.
"Ang aga mo naman?" Nagtataka kong tanong.
"I still have something to finish, that's why I'm already here." Paliwanag niya.
"Sige, mag-aasikaso na ako."
"Okay, take care." Hindi na niya ako hinintay na sumagot dahil pinatay na niya ang tawag.
Dali-dali akong tumakbo at pumasok sa loob nang banyo.
Mabilis lang akong naligo at nagbihis, ang sinuot ko lang ay isang white long sleeve na tinupi ko hanggang siko na hinayaan ko lang na nakabukas ang tatlong butones, suot ko rin ang black pants at white shoes ko.
Bago lumabas ng walk-in closet ko ay kinuha ko muna ang eyeglasses ko at sinuot.
Nang masiguro ko na ayos na ay mabilis ko na rin kinuha ang bag ko at susi nang kotse bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ko.
Pagbaba ko sa hagdan namin ay saktong kalalabas lang din ni nanay Cory sa kusina.
"Oh anak, papasok ka na agad?" Taka niyang tanong ng makalapit ako sa pwesto niya.
"Ah, opo nay." Nakangiti kong sagot.
Nagtataka niya naman akong tiningnan bago tumingin sa relo niya.
"Aba, 6:30 pa lang naman ng umaga, akala ko ba 7:30 ang pasok mo?" Kunot noong tanong ni nanay bago tumingin ulit sa akin.
"Po? Ah eh, may project pa po kasi kaming gagawin. Una na po ako nay, bye." Mabilis ko lang hinalikan si nanay sa pisngi at hindi ko na siya hinintay na magsalita ulit dahil dali-dali na akong lumabas nang mansion at sumakay sa kotse ko bago tuluyang umalis.
Dumaan muna ako sa coffee shop para mag-order nang kape para sa aming dalawa ni Avi.
Pagpasok ko ay marami agad ang napalingon sa akin na puno nang paghanga pero nginitian ko lang sila kaya mas lalo silang nag-ingay.
"Shit 'te, ang pogi."
"Lord, kung hindi mo pa kilala ang para sa akin, ako po alam ko na kung sino."
YOU ARE READING
Tears Of Pain
RomanceWhat will happen if Hell Jam Montenegro Armstrong falls for Professor Avianna Volland? Will she only feel joy or perhaps a Tears Of Pain? Let's see how the story unfolds, whether it's filled with joy or consumed by pain.
