Chapter 26

2.1K 47 0
                                        

Wala na akong nagawa kundi ang tumayo at pumunta sa stage.









Sinalubong naman ako ni lolo nang isang tipid na ngiti.









Ngumiti rin ako at tinanggap ang mic na inabot niya.









"Ah, hi? Good evening to all of you." Napangiwi ako nang tumawa ang mga bisita.









"Sorry, I wasn't prepared. I wasn't informed that I needed to give a speech." May halong pagbibiro na sabi ko, mas lalo naman silang lahat natawa pati ang pamilya ko ay tumatawa na rin.









"So 'yon na nga, happy birthday to my beautiful but slightly stubborn sister. I just want to say that I hope you grow up with respect, kindness, and fear of God. Always remember that I love you, happy birthday baby." Pumalakpak naman lahat ng bisita habang ako naman ay nakangiting lumapit sa kapatid ko.









"Happy birthday, baby." Bulong ko sa kanya bago ko siya dinampian nang halik sa noo.









"Thank you ate." Hinalikan niya naman ako sa pisngi habang puno nang iba't-ibang emosyon ang kanyang mga mata.









Makikita mo ang saya at pagmamahal sa mga mata niya.









Pagkatapos ko magbigay nang speech ay nagpicture taking muna kaming lahat bago nagsimulang kumain.









Imbes dumiretso sa table namin ng mga kaibigan ko ay doon ako dumiretso sa table ng pamilya ko.









"Hi tita, tito." Bati ko sa mga tita at tito ko habang dinadampian sila nang halik sa pisngi.









"Apo." Sabay-sabay na tawag nang grandparents ko.









Nakangiti naman akong lumapit sa kanila at humalik sa kanilang mga pisngi.









Si lolo Jaron at lola Hazel ay parents ni momma. Habang sina lolo Victor at lola Celine naman ay parents naman ni mommy.









Swerte nga lang namin dahil hindi masyadong strict ang grandparents namin, kahit medyo seryoso sila eh nagagawa naman nilang makipagbiruan sa amin.









Close talaga kami sa grandparents namin lalo na ako.









"Bagay sa'yo ang gupit mo, apo." Nakangiting papuri ni lola Hazel.









"Sinong naggupit sa'yo, apo?" Tanong naman ni lola Celine habang hinahaplos ang aking buhok.









"Ako lang po."









"Kamukha mo na ako, apo." Natatawang sabi ni lolo Jaron.









"Sobrang gwapo nang apo natin." Puno nang paghanga na sabi naman ni lolo Victor.









Nagpasalamat naman ako sa kanila, nanatili muna ako doon nang ilang minuto bago ako nagpaalam at umalis.









Kumuha muna ako nang makakain ko bago ako dumiretso sa table ng mga kaibigan ko.









"Kumain lang kayo nang marami, huwag kayong mahihiya." Nakangiting sabi ko habang umuupo.









Agad naman silang tumango.









Tears Of PainStories to obsess over. Discover now