Chapter 30

2.2K 53 9
                                        

"Hi ate." Nakangiting bati ni Blue sa ate niya.








"Wazzup ate B." Masayang bati rin ni Green.









Nakangiti lang akong yumuko bago nagsindi nang kandila sa puntod ni Blaire.









Ngayon na ang araw ng birthday ko at ngayon din ang 10th death anniversary ni Blaire kaya nandito kaming tatlo sa kanya.









Umupo ako sa gilid at hinayaan ko lang silang dalawa na kausapin ang larawan ni Blaire.









Naalala ko na naman tuloy 'yong nangyari 2 days ago, pagkatapos kasi nang gabing hinalikan ako ni Avi ay iniiwasan niya na naman ako.








Natatawa na naman ako kapag naaalala ko 'yong cute niyang mukha kapag namumula.









"Avi." Nakangiting tawag ko sa kanya, buti na lang wala ng mga student sa hallway dahil nasa cafeteria na lahat.









Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin.








Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at pamumula nang pisngi niya ng makita ako.









"Avi, sandali lang." Habol ko sa kanya ng magsimula siyang maglakad nang mabilis.








"Fuck, bakit mo ba ako iniiwasan?" Hinihingal kong tanong habang hawak ang kamay niya.









"D-don't h-hold me, let g-go." Nauutal niyang sabi habang namumula ang magkabila niyang pisngi.









"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Bakit sobrang pula mo?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.









"I'm f-fine, let me go." Iwas tingin niyang pakiusap.









Buntong hininga ko namang binitawan ang kamay niya.









Umayos ako nang tayo sa harap niya tsaka nakapamulsa siyang tinitigan.









"Bakit mo ba ako iniiwasan?" Nakanguso kong tanong.









"I'm not avoiding you."









"Eh, bakit hindi ka maka-tingin sa akin ng diretso?" Taas kilay kong tanong.








Huminga muna siya nang malalim bago ako inis na nilingon.








Mas lalo pa siyang namula nang magtama ang tingin namin.








"Are you blushing?" Nang-aasar kong tanong sa kanya.








"No!" Natawa ako sa pagiging defensive niya.








Tears Of PainWhere stories live. Discover now