Chapter 9

74 4 0
                                    

Nandito ako ngayon sa office ni Professor Volland.








Nakaupo lang ako habang nakatitig sa kaniya habang may ginagawa siya sa kaniyang laptop.








Grabe ang ganda niya talaga.








Isang linggo na pala ang nakakalipas ng mangyari ang tagpong 'yon sa parking lot.








Isang linggo na rin simula ng mag-simula siyang magturo.








Sa isang linggo na lumipas ay wala akong ibang ginawa kundi guluhin at asarin siya.








Madalas na akong tumatambay dito sa office niya.








Nalaman ko rin na kaibigan niya pala ang ate ko tsaka si Professor Fuentes.








Sabagay, bakit pa ba ako magtataka eh pareho lang naman silang tatlo na masusungit.








My deep thoughts and gaze were abruptly interrupted when she suddenly spoke.








"Staring is rude." Mataray na sabi niya habang patuloy sa pagtipa sa kaniyang laptop.








Napasimangot ako at umiwas na lang ng tingin.








I took a deep breath and continued checking our papers. She had given a quiz earlier, and I offered to check them myself since she still had something to do.








After a few minutes, I finally finished.








Nasa kalagitnaan ako ng pag-uunat ng mag-vibrate ang phone ko.









Kinuha ko agad ang phone ko sa bulsa tsaka ko binasa ang chat galing kay Green.








Green Montero
Active Now





Green: Saan ka?




Me: Bakit?









Wala pang isang minuto ay nag-reply na siya agad.







Green: Pumunta ka rito sa cafeteria nandito kami ni Asul, dalian mo ha dahil mukhang badtrip itong isa.







Me: Sige.







Mabilis kong inayos ang mga gamit ko tsaka ako tumayo at lumapit sa table ni ma'am.







Nang maramdaman niya ang presensya ko ay mabilis siyang huminto sa ginagawa at nag-angat ng tingin.







"Are you done?" Taas kilay niyang tanong.






"Opo." Tsaka ko inabot sa kaniya ang mga papel.







Mabilis niya naman itong kinuha at tiningnan.







Tumango siya at itinabi ang mga ito.







"You can leave now." Nagpatuloy siya ulit sa kaniyang ginagawa.







"Okay po." Nakangusong sabi ko.







Binagalan ko ang lakad ko dahil baka sakaling pigilan niya ako.







Pero nakalabas na lang ako hindi niya man lang ako pinigilan para ayain kumain.








Humarap ako sa pinto niya at sinamaan ito ng tingin.







"Tsk, hindi man lang ako inayang kumain." Naiinis kong sabi.







"Excuse me." Napatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa likod ko.







Gulat akong lumingon at tumambad sa akin ang isang matangkad at gwapong lalaki.








"This is Professor Avianna Volland's office?" Nakangiti niyang tanong.







Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa tsaka ko ibinalik ang tingin sa kaniyang mukha.













Mukha siyang galing sa isang mayamang pamilya at mukha rin siyang mabait.







Tinanguan ko siya at nginitian.







"Opo, pasok lang po kayo nandiyan po si Professor Volland." Mas lalo pa siyang ngumiti kaya nakita ko ang mapuputi niyang ngipin.






"Thank you." Tinapik niya lang ako sa balikat.







Doon ko lang napansin ang hawak niyang bulaklak at paper bag.







Gumilid ako para makadaan siya at makapasok.







Pinanood ko lang siya na kumatok at pumasok sa loob.







Kunot noo kong tinitigan ang nakasarang pinto.







"Sino kaya 'yon? Kaibigan lang siguro ni ma'am." Tumatangong sabi ko sa sarili ko.







Napahinto ako ng maalala ko ang chat ni Green sa akin.







"Shit." Nagmamadali akong naglakad at halos tumakbo na ako para lang makarating agad.

Tears Of PainWhere stories live. Discover now